Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / McGee maglalaro sa Mavs

McGee maglalaro sa Mavs


PARA palakasin ang gitna ng Dallas Mavericks, pinapirma nila ng dalawang taong kontrata ang sentrong si JaVale McGee .

Nangyari ang pirmahan pagkatapos umatras ni DeAndre Jordan para sumama sa listahan ng Mavs at sa halip ay bumalik na lang siya sa Clippers.

READ MORE:  Anak ni Bogs Adornado kasama sa draft (PBA D League)

Ang 7-footer na si MacGee ay pang-18th pick noong 2008 NBA Draft.   Humataw siya ng laro sa Washington Wizards, Denver Nuggets at Philadelphia 76ers.

Taong 2013 nang magkaroon siya ng matinding injury (fracture sa kaliwang tibia) para magarahe ng maraming laro.

READ MORE:  Panalo ng Ginebra iprinotesta ng RoS

Kinunsidera rin ng Team Gilas si McGee para maging naturalized player pero dahil nga sa injury ay naisantabi siya at sa halip ay si Andre Blatche ang kinuha ng RP Team.

READ MORE:  Politika na ang no. 1 sa puso ni PacMan

Sa paglalaro ni McGee sa NBA, tumimbre siya ng 8.4 puntos at 5.5 rebounds at nagrehistro siya ng 382 games sa kabuuang laro.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved