Friday , April 26 2024

Mga hao-shiao kumukumpas na sa BI-Intel? (Alam mo na ba SOJ De Lima?)

immigrationAno naman itong nabalitaan natin na may isang retarded ‘este retired Kernel Kupas ‘este Tupas ang tila unti-unting nagtatayo ng “private army” niya diyan sa Counter Intelligence Unit ng Bureau of Immigration OCOM?

Matapos daw masipa si alias Johnny “extra small” Bravo diyan sa unit na ‘yan ay mukhang ‘yang posisyon na ‘yan ang tinarget nitong si Kernel Tupas para isaksak ang kanyang mga bataan na pawang mga nanggaling umano sa isang security agency.

Aba para palang si Kuya Ipe, “JA-GUAR!?”

Ang siste, pilit daw pinag-o-operate nitong si Kernel Tupak ‘este Tupas ang mga newly hired Jaguars niya sa Immigration without any valid contract signed by the Honorable Commissioner.

What the fact SOJ Leila De Lima!?

Alam mo bang bawal ang ganyan sistema sa batas, Kernel Tupas?

Nakikita raw itong mga tao niyang ito bitbit ang sariling folders at kasalukuyang nagke-case build-up sa mga foreinger, considering na mga Job Orders lang ang items nila!

May blessing na ba ito ni SOJ Leila De Lima at ni Commissioner Fred ‘pabebe’ Mison, Kernel?

Ano ba ang plano ni Tupas sa BI-CIU at panay ang hire ng mga tao niya riyan?

Since you are already retired from the military service, bakit hindi ka na lang magtayo ng security agency mo at ipasok ‘yang mga bata mo sa mga malls, factories, o maging sa Rizal Park na mas qualified sila.

Nakapagtataka naman kasi itong si Mison dahil pilit pang pinagagana ang CIU gayong ilan na ang pumuwesto riyan pero wala naman nagtagal at lagi na lang nababatbat ng mga issue ang unit na ‘yan sa BI.

Sabi nga ng isang beteranong BI Intel, dapat nga i-dissolve na ang Unit na ‘yan dahil sayang lang ang ipinasusweldo ng Bureau sa mga tao riyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *