Friday , April 26 2024

Ai Ai, laging naka-monitor kay Jiro

070915 aiai jiro

LIKAS ang maternal instinct ni Ai  Ai Delas Alas kaya kahit ang iba pang mga artista kagaya na lang ng dating child star na si Jiro Manio ay malaki ang tiwala sa kanya. Sa isang panayam ay kinompirma niyang updated siya sa mga nangyayari kay Jiro sa rehab at hindi niya ito pababayaan, kaya matitiyak na nasa mabuting kalagayan ang actor.

Balita ring dadalhin ni Ai Ai si Jiro sa Japan ‘pag nakalabas na ito sa rehab para makita ang tunay niyang ama. Pero sinabihan din niya si Jiro na ‘wag masyadong umasa kung paano siya tatanggapin ng tunay niyang tatay.

Nakare-relate si Ai Ai sa emosyon at sitwasyon ni Jiro dahil ampon din siya. Noong hindi niya kilala kung sino talaga ang parents niya, hindi nawawala ‘yung feeling na hindi niya maintindihan at kung bakit hanap siya ng hanap ng kung ano-ano. Gusto niyang ipaintindi at ipadama kay Jiro ang ganoon para matapos na ang ganoong emosyon ng dating child actor.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *