Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Vi, malawak na ang kaalaman para sa bayan; ambisyong political, no-no na!

Ate Vi, malawak na ang kaalaman para sa bayan; ambisyong political, no-no na!

 

072715 Vilma Santos

INAAMIN ni Governor Vilma Santos na may pahiwatig na sa kanya na tumakbo siya para sa mas mataas na posisyon sa 2016. Noon pa naman nababalita na iyan pero ganoon pa rin naman ang kanyang sagot tungkol doon eh, ”I don’t entertain”. Hindi pinapansin ni Ate Vi ang kanilang mga pahiwatig.

Hindi ba noon pa naman nabalita iyan nang sunod-sunod ang dalaw ni VP Binay sa Batangas? Tapos ganoon din nang mapunta kamakailan doon si Secretary Mar Roxas. Noong magpunta sa Batangas si PNoy iyon din ang sinasabing usapan. Pero no pansin namang lahat iyan kay Ate Vi na nagsabing sa ngayon ang priority niya ay ”masigurong magandang matatapos ang term ko bilang governor ng Batangas at matapos na rin iyong pelikula namin ni Angel.”

READ MORE:  Alden, tinaguriang Cancel King

Ayaw nilang maniwala na hindi na talaga interesado si Ate Vi sa anumang mas mataas na posisyon. Kuntento na siya sa kung ano man ang naabot na niya, after all ano pa nga ba ang kanyang kailangang patunayan. Siya ang kauna-unahang babaeng naging Mayor ng Lipa at naging Governor pa ng Batangas. Sa loob ng ilang taon, binigyan siya ng pinakamataas na karangalan sa public service. Noong nakaraang eleksiyon sinasabing siya ang nakakuha ng pinakamalaking kalamangan sa kanyang nakalaban sa politika. Ano pa ba ang kailangan niyang patunayan?

READ MORE:  Ejay Falcon, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano (Hanap ay trabaho outside)

Marami pang ginagawa si Ate Vi. Noong isang araw nga lang tuwang-tuwa ang broadcaster na si Ted Failon nang makausap niya sa kanyang radio program, at sabihin niyon na napag-aralan na rin niya ang sinasabing mga peligro ng balak na pagmimina sa Lubo, Batangas at sinabi niyang tutol siya roon dahil makasisira iyon ng kalikasan, at makasasama iyon sa mga mamamayan ng bayan, bagamat sinabi niyang ang naisip siguro ng mga namumuno sa bayan ay ang kaunlarang maaaring dalhin niyon sa bayan nila. Pero si Ate Vi nga, ang pananaw niya ay mas malawak. Tinintingnan niya kung ano ang mangyayari sa pagdating pa ng panahon. Panay ang palakpak ni Failon, at nakatutuwang isipin, si Ate Vi na natatanong lang ng kung ano-ano noong araw basta ini-interview siya sa showbiz, ganoon na pala kalawak ang talino sa ngayon. Pero wala na siyang ambisyong politikal ha.

READ MORE:  Miles at Julia nagkakainitan, ‘pag intense ang eksena sa And I Love You So

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved