Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Mga konduktor na bastos at barumbado sa Novaliches QC (Attn: LTO & LTFRB)

Mga konduktor na bastos at barumbado sa Novaliches QC (Attn: LTO & LTFRB)

00 Bulabugin jerry yap jsySAKSI ang Bulabog frens natin sa kabastusan at kabarumbadohan ng mga konduktor ng mga pampasaherong jeep sa biyaheng JORDAN PLAINS (Novaliches) at  Quezon City Circle.

Sa terminal pa lamang, sa gate ng Jordan Plains Village ay ganoon na lang kung bastusin at sigawan ang mga pasaherong nakapila na dapat sana ay iginagalang nila dahil ito ang pinagkukunan nila ng kanilang hanapbuhay.

Minumura ng ilang tarantadong konduktor ang mga pasahero nang walang dahilan. Madaling sabi, pambu-BULLY ang ginagawa ng mga loko! Hindi kaya sabog sila sa mga illegal substance!?

Napag-alaman ng BULABUGIN na isang Mr. TUPAK ‘este TUPAS ang may hawak sa mga konduktor cum tong collector.

Mr. Tupas, malinaw pa sa sikat ng araw na illegal ang mga konduktor mo dahil wala naman mga lisensiya ang mga ‘yan mula sa LTO.

Hindi ba dapat lahat ng konduktor ay may lisensiya mula sa LTO!?

Matagal na rin iniaangal ng mga pobreng driver ang  halagang bente pesos na kolektong ‘este koleksiyon bawa’t biyahe na ginagawa ng mga konduktor sa tuwing sasampa sila sa pampasaherong  jeep mula sa terminal para mangongolekta ng pamasahe sa mga pasahero.               

Hindi miyembro ng ano mang transport group ang mga tsuper/operator na nakaprangkisa sa rutang ito.

Bagkus sila ay isang Kooperatiba.

Anak ng tupas ‘este tupa!

Mr. Tupas, puwede bang disiplinahin mo ‘yang mga konduktor mong mga bastos at barumbado sa mga pasahero?!

Public Convenience ang transport system, dapat kombinyente ang mga pasahero sa serbisyo ninyo.

Hindi bastusan at pambabarumbado sa mga pasahero!

Panawagan ng BULABUGIN sa Philippine Cooperative Authority (PCA) na busisiin ang sistemang ginagawa ng Kooperatibang ito.

Gayon din sa LTO at LTFRB na imbestigahan at aksiyonan ang illegal na gawain ng nasabing transport cooperative.

Now na!!!

Empleyado ng Manila CSF nabalasubas!?

MISTULANG lumang kagamitan na matapos gamitin at pakinabangan ay bigla na lang silang ibinasura.

Ito ang hinaing ng ilang tauhan ng Manila city security force.

Ang masaklap, sa halos 40 tauhan ng CSF na hindi napasahod nang maayos ay hindi pa ini-renew ang kanilang kontrata.

Ito ang ilan sa mga tauhan ng CSF na sinasabing nabigyan ng trabaho nina ISKORAP (Isko-Erap) pagkatapos ng 2013 election.

Kung hindi tayo nagkakamali, isa ‘yan sa mga praise release noon nina Yorme Erap at VM Isko na magbibigay sila ng karagdagang trabaho at hindi sila magtatanggal ng mga dating empleyado sa city hall.

Walastik!!! Ang sarap pakinggan ‘di ho ba?

May mga nabigyan naman ng trabaho, gaya nga sa MANILA CSF noong umupo na ang tandem na Isko-Erap.

At diyan nag-umpisa ang kalbaryo nila, laging delay ang suweldo at kung minsan ay ‘nganga’ pa?!

Pero tiis-tiis pa rin kahit Job Order (J.O.) lang ang status nila sa city hall dahil umaasa sila sa pangakong napako na mabibigyan sila ng item at mare-renew ang kanilang kontrata.

Eto na, nang dumating ang renewal at formal signing sana ng kontrata, biglang ibinasura at tinanggal sila sa listahan sa hindi malamang dahilan.

Isang taon at anin na buwan silang nag-serbisyo nang tapat at nagtiis pero ginamit at pinaasa lang pala sila!?

Pinaasa, pinagod at abonado pa sa pa-masahe saka sila sinibak!?

Animo’y pinagnakawan sa perang kanilang pinagtrabahuan at pinagpaguran ang 40 CSF.

Duda kasi sila na sa ibang kamay napunta ang suweldo at hindi ibinigay sa kanila. Kahit na tatlong (3) libo kada buwan ay wala as in wala raw silang nakuha.

Sa kuwentada nila, kung 40 CSF X 3,000 = P120,000 X 20 buwan = P2.4 milyon ang hinihinalang napunta sa ilang tulisan diyan sa city hall.

What the fact!?

Sila pa raw ‘yung mga sumama at na-ngampanya sa mga barangay chairman para kina Erap nitong nakaraang 2013 election.

Napakasakit Kuya Eddie…

Pero may pahabol sila, sa darating na election ay ikakampanya pa rin daw nila sina Erap at Isko…

Ikakampanya na ‘wag daw iboto!

Aruy!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS
READ MORE:  “Rule of Law” ang kay Lim

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved