Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mga konduktor na bastos at barumbado sa Novaliches QC (Attn: LTO & LTFRB)

Mga konduktor na bastos at barumbado sa Novaliches QC (Attn: LTO & LTFRB)

jeepneySAKSI ang Bulabog frens natin sa kabastusan at kabarumbadohan ng mga konduktor ng mga pampasaherong jeep sa biyaheng JORDAN PLAINS (Novaliches) at  Quezon City Circle.

Sa terminal pa lamang, sa gate ng Jordan Plains Village ay ganoon na lang kung bastusin at sigawan ang mga pasaherong nakapila na dapat sana ay iginagalang nila dahil ito ang pinagkukunan nila ng kanilang hanapbuhay.

Minumura ng ilang tarantadong konduktor ang mga pasahero nang walang dahilan. Madaling sabi, pambu-BULLY ang ginagawa ng mga loko! Hindi kaya sabog sila sa mga illegal substance!?

Napag-alaman ng BULABUGIN na isang Mr. TUPAK ‘este TUPAS ang may hawak sa mga konduktor cum tong collector.

Mr. Tupas, malinaw pa sa sikat ng araw na illegal ang mga konduktor mo dahil wala naman mga lisensiya ang mga ‘yan mula sa LTO.

Hindi ba dapat lahat ng konduktor ay may lisensiya mula sa LTO!?

Matagal na rin iniaangal ng mga pobreng driver ang  halagang bente pesos na kolektong ‘este koleksiyon bawa’t biyahe na ginagawa ng mga konduktor sa tuwing sasampa sila sa pampasaherong  jeep mula sa terminal para mangongolekta ng pamasahe sa mga pasahero.               

Hindi miyembro ng ano mang transport group ang mga tsuper/operator na nakaprangkisa sa rutang ito.

Bagkus sila ay isang Kooperatiba.

Anak ng tupas ‘este tupa!

Mr. Tupas, puwede bang disiplinahin mo ‘yang mga konduktor mong mga bastos at barumbado sa mga pasahero?!

Public Convenience ang transport system, dapat kombinyente ang mga pasahero sa serbisyo ninyo.

Hindi bastusan at pambabarumbado sa mga pasahero!

Panawagan ng BULABUGIN sa Philippine Cooperative Authority (PCA) na busisiin ang sistemang ginagawa ng Kooperatibang ito.

Gayon din sa LTO at LTFRB na imbestigahan at aksiyonan ang illegal na gawain ng nasabing transport cooperative.

Now na!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS
READ MORE:  Emergency power ni Presidente Duterte kontra Lawton illegal terminal

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved