Saturday , April 27 2024

Lahat tablado sa Fight IT!

00 aksyon almarFIGHTS Illicit Trade (Fight IT)… oo, bagong bi-nuong grupo na masasabing kakampi ng mga konsyumer laban sa mga abusado’t mapagsamantalang negosyante o kapitalista.

Araw-araw, hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nabibiktima ng mga abusadong negosyante kundi,  marahil ay umaabot hanggang sampu o higit pa. Kaya, ito marahil ang isa sa dahilan kung bakit binuo ang Fight IT na pinamumunuan ni Jesus Lim Arranza.

Iyan ang pagkakaalam ko ha, na isa marahil sa dahilan ng pagbuo sa Fight IT. Tama kaya ako?  Pero ano pa man, ano nga ba talaga ang layunin ng Figth IT? Sino kaya ang makikinabang sa binuong grupo – mga nagpapatakbo kaya nito o bayan? 

Kung pagbabasehan ang logo ng Fight IT, isa sa pinupuntirya nilang mabuwag ang smuggling at mga katarantadohan sa iba’t ibang klase ng negosyo – against  Illicit Trade ang prayoridad ng grupo. Sa pangalan pa lang ng grupo, palaban na sila para sa mga konsyu-mer.

Sabi nga ng tropang Fight IT nang kanilang ipaalam sa publiko ang pagbuo sa grupo (launching ng Fight IT)… “Fight IT is the advocacy movement under the anti-smuggling committee of the Federation of Philippine Industries (FPI). The growing incidence of illicit trade and its dama-ging effects on industries and the consumers are concerns that prompted the group to take a more encompassing campaign to involve local industries and the public.

The group believe that a forceful and stronger collaboration between the government and the industries is needed to push the campaign further as the government has intensified its action against smuggling.

The group is committed to a) protect consumers b) safeguard government revenues c) preserve jobs and d) ensure a level playing among legitimate Philippine industries.

‘Ika pa ni Arranza,  kinakailangan nang wakasan ang mga illicit trade – mga anomalya sa negosyo at panloloko sa mga konsyumer mula agricultural products; construction; petroleum; automotive at textile.

Sabi ng Fight IT, ang panloloko/pananamantala sa konsyumer ay malaking paglabag sa batas.

Dagdag ni Arranza, lead convenor ng grupo… “It is a crime against the economy and humanity that calls for harsher punishment.”

Iyan ang masasabing isa sa dahilan kung bakit binuo ang Fight IT. Magiging katuwang pala natin laban sa mga mapagsamantalang kapita-lista.

Fight IT – palaban sa pangalan pa lang. Ibig sabihin, walang sinisino ang grupo. Lahat ay kalaban basta’t abusado at tarantado sa konsyumer. Kahit na maimpluwensiya ang may-ari ng kompanya ay kanilang babanggain. Sila man ay mambabatas, alkalde, gobernador o may kapit sa pamahalaan – lahat sila’y tablado sa grupo ni Arranza.

Kaya ang mga negosyanteng pasok sa illicit trade – mahilig manabotahe – mameke ng mga produkto, bilang na’ng mga araw ninyo. Lagot kayo sa Fight IT! 

Ngayon, isa sa binabantayan ng grupo ang nabukong kuwestiyonableng pagnenegosyo ng isang Liquefied Petroleum Gas company na sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI).

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *