Friday , April 26 2024

Egay sasamahan  ng isa pang bagyo

0707 FRONTINAASAHANG papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo ang isa pang bagyo na may international name na Chan Hom.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, posibleng sa Martes o Miyerkoles pumasok ng PAR ang Tropical Storm Chan Hom.

Tatawagin itong bagyong Falcon pagpasok ng PAR.

Sakaling pumasok, nasa border lang ito ng PAR, ayon kay state weather forecaster Gener Quitlong.

Posible nitong samahan ang Bagyong Egay na inaasahang lalabas ng PAR sa Huwebes dahil halos hindi gumagalaw sa karagatang sakop ng hilagang Luzon. Magdudulot ito ng pag-ulan sa buong linggo.

“Bagama’t hihina na ang Bagyong Egay o lalayo na, pagpasok naman ng Bagyong Chan Hom na lalong lumalakas dahil nasa dagat po ito, mahahatak muli itong Habagat kaya masasabi natin itong buong linggo ay makararanas nang walang tigil na ulan na mararanasan natin,” ayon kay Quitlong

Apat na bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa bansa ngayong Hulyo.

Zero casualty kay Egay  — NDRRMC

WALA pang naitatalang namatay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil kay Tropical Storm Egay.

“Wala pa naman tayong napapabalitang casualty dahil sa Bagyong Egay,” banggit ni NDMMRC spokesperson Mina Marasigan.

Ngunit may naitala na silang tatlong insidente ng pagguho ng lupa at pitong insidente ng pagbaha sa La Union, Apayao at Palawan.

Habang stranded sa pantalan sa Cebu, Tagbilaran, Bicol, Palawan at Southern Tagalog ang nasa 502 pasahero, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Hindi rin makabiyahe ang 58 vessels at 31 motor bancas.

Sa Benguet, Kalinga, Apayao at Mt. Province, nakapagtala ang NDRRMC ng ilang kalsada at tulay na isinara dahil sa pagguho ng lupa at pag-apaw ng mga ilog.

Nakaranas ng power interruption sa ilang munisipyo ng La Union partikular sa Bacnotan, San Gabriel, Santol, Luna, Bangar, Sudipen at San Juan.

Lubog  sa tubig ang ilang bayan sa La Union dahil sa lakas ng ulan.

Trabaho, eskwela kanselado sa Metro

BAGAMA’T nakaligtas sa direktang pagtama ng bagyo, patuloy na uulanin ang Metro Manila hanggang sa kabuuan ng linggong ito.

Ayon kay PAGASA forecaster Aldzar Aurelio, nahatak nang husto ng bagyong Egay ang haba-gat kaya kahit malusaw na ang bagyo ay mananatiling maulan sa western section ng ating bansa.

Nabatid na may mga binabaha nang lugar dahil sa halos magdamag na ulan sa Metro Manila.

Kahapon ng umaga, nagtaas pa ng heavy rainfall alert sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar.

Bunsod nito, kinansela ng mga paaralan ang kanilang pasok habang may mga lokal na pamahalaang tuluyang ipinagpaliban ang pasok ng mga mag-aaral at maging ng mga opisina upang makaiwas sa epekto ng malakas na ulan.

Habang ang Malacañang ay kinansela na rin dakong hapon ang pasok sa mga tanggapan at paaralan para maagang makauwi ang mga apektado nang matinding pag-ulan.

Pondo para sa sinalanta ni Egay sapat  — Palasyo

TINIYAK ng Malacañang ang sapat na pondo para tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Egay lalo sa Hilagang Luzon.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, lahat ng ahensiya ay mayroong mga naka-preposition na mga kagamitan, relief goods at resources, mayroon din quick release funds na available sa kanila nang agaran.

Ayon kay Coloma, huwag mag-alala ang mga biktima at mayroong sapat na pondo sa lahat ng mga kinakailangang gawin ng ating pamahalaan.

Kasabay nito, patuloy ang pagpapaalala ng pamahalaan sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag nang pumalaot at magiging mapanganib ang mga alon na dulot ng bagyo.

Pinapayuhan din ang mga naninirahan sa mabababang lugar, lalo sa daraanan ng bagyo na mag-ingat sa banta ng posibleng pagguho ng lupa o landslide bunga ng ulan.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *