Friday , April 26 2024

Toni, ‘di natakot sa unang gabi nila ni Direk Paul (Nakakapanood naman daw kasi ng porn movies)

061615 Toni Gonzaga Paul Soriano

00 fact sheet reggeeHINDI naman pala totoong walang alam si Toni Gonzaga-Soriano pagdating sa sex dahil hindi na siya natakot sa unang gabi nila ni direk Paul Soriano.

Rati na raw kasi siyang nakapanood ng porn movies.

“Napanood ko na ‘yun (porn movies) noong hay-iskul ako, nakalusot kami ni Alex (Gonzaga),” pag-amin ng TV host/actress.

Sabi pa ni Toni, “kapag matanda ka na, hindi mo na gusto ‘yun (porn movies), parang pang teenagers na ‘yun, eh, hindi na kailangan.”

So, hindi na sila naglaro tulad ng taguan o habulan, “ay hindi na, wala ng ganoon,” seryosong sabi ng misis ni direk Paul.

Nagkuwentuhan nga raw silang mag-asawa pagkatapos nilang gawin ang tamis ng kanilang pagmamahalan at naisip niyang napaka-suwerte raw ng mister niya.

“I take pride in myself na si Paul lang ang lalaki sa buhay ko.

“Parang bigla akong tumingin kay Paul, ‘Oy, grabe, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Puwede kang maglakad kahit saan, ‘Ako lang ang nakaano sa asawa ko,” tumatawang kuwento ni Toni.

At ramdam naman daw niyang masaya nga si direk Paul, “Oo naman. Napagtagumpayan niya. Nakita ko naman kung paano niya ako nirespeto, kung paano ka niya alagaan.

“At saka hinintay talaga niya ‘yung ano (tamang panahon),” say ni Toni.

Ano naman ang pinagkuwentuhan nila ni direk Paul, “nag-look back kami na first time naming nagdi-date, yung mga bawal siyang pumanhik sa second floor (bahay nina Toni). ‘Yung mga bawal na pagta-travel. Parang na-realize lang namin na parang everything is God’s timing na mas maganda.”

Bilang siya na si Mrs. Paul Soriano ay, “naninibago ako ngayon kasi ako na ‘yung gumigising sa sarili ko.

“Hindi na ako ginigising ng mommy, ni Daddy.

“Kasi tandem ‘yan, eh, it’s either yung daddy ang gigising o kaya si Mommy.

“Ngayon naman, kung hindi ako gigising, mali-late ako.

“Kasi hindi naman laging nandoon si Paul, kasi maaga siyang umaalis para sa trabaho.

“Minsan nandoon siya, pero kadalasan maaga siyang umaalis for work.

“Gaya kanina, gumising ako ng mas maaga.

“Actually, maaga rin siyang gumising, pero mas maaga akong tumayo, kasi ako ‘yung naghanda ng lunch. More on brunch kami, eh.”

Si Toni raw mismo ang nagluluto ng pagkain nila ni direk Paul.

“Na magaling pala akong magluto. Kasi paborito niya (Paul) ‘yung pininyahang manok ng mommy (Pinty) ko, ‘yung spaghetti at tinola.

“Kanina (Huwebes ng umaga), gusto nya ‘yung spaghetti kaya ‘yun. Inaral ko naman kasi lahat na ‘yung mga paborito niyang pagkain, nagpaturo na ako sa mommy ko,” kuwento ni Toni.

Maaga raw gumising ni direk Paul dahil 9:00 o 10:00 a.m. ay papasok na ito sa trabaho at darating ng alas singko ng hapon na kaagad niyang sinasalubong.

“Maaga siya, morning person siya (Paul), ang aga-aga matulog, eh, night person kami ni Alex, ‘di ba? So ganoon, tulog na siya, ako gising pa.

“Nagbabasa na lang ako ng libro, as usual, pero minsan ginigising ko siya, sinasabunutan ko,” natawang kuwento sa amin.

At dahil natutulog na ng mahimbing si direk Paul at gising na gising naman si Celestine, sinabi namin na tiyak na tinititigan niya ang asawa habang tulog.

“Oo, ang ganda kasi ng mukha niya, ‘di ba? Sabi ko nga kapag nagkaanak kami, sa kanya na lahat magmana, lahat ariin na niya, maski wala sa akin, kasi maganda ang lahi niya,” napangiting sabi ng TV host/actress.

Sa may McKinley, Taguig City condo nakatira ngayon ang bagong kasal, ito ‘yung nasulat namin na pinagdugtong ni direk Paul ang dalawang unit dahil ang dream house nila ay hindi pa nagagawa na ang magdidisensyo raw ay ang boyfriend ni Zsa Zsa Padilla na si Architect Conrad Onglao na sa parehong lugar din.

At sa usaping pre-nuptial ay hindi raw ito pinayagang mangyari ni Toni.

“Hindi naman kailangan. Parang ang sa akin kapag nag-pre-nup ako, ang iniisip ko pa rin sarili ko, parang, eh, ‘di ba sabi ng Pastor kapag ikinasal kayo, ‘wala ng ikaw, lagi ng tayo, wala ng ako-ako, laging tayo dapat,” katwiran niya.

At inamin na rin ng TV host/actress na malaki na talaga ang naipon niya at nabiling ari-arian.

“Na-realize ko kung gaano kagaling maghawak ng nanay ko ng mga inipon ko, before the wedding, inilatag niya lahat sa akin, natuwa naman ako, transparent naman kami ng nanay ko pagdating sa (kinikita),” say ni Toni.

Hati ba sila ni direk Paul sa mga kinikita nila, “hindi, suweldo ko, akin lang, suweldo niya akin din, ha, ha. Masyado siyang magastos, tinituruan ko nga mag-budget.

“Since naturuan ako ni mommy Pinty kaya gagawin ko ‘yun, sobrang magastos si Paul, hindi para sa sarili niya, sa iba, masyado siyang generous.”

At dahil ibinigay na niya kay Alex ang Savana van at plano niyang bumili ng Toyota hi ace van, “hi ace na lang, eh, sabi ni Paul bibilhan niya ako ng bagong van, pareho rin latest model lang.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *