Friday , April 26 2024

Pa-jueteng ni Tepang sa Kyusi!  (Paging: QCPD D.D. Gen. Joel Pagdilao)

00 rex target logoNasa mismong siyudad kung saan naroroon ang punong tanggapan ng DILG ni Secretary Mar Roxas namamayagpag ang pa-jueteng ng isang GIL TEPANG na naging bantog sa pagiging Beerhouse King ng Quezon City ng mga nagdaang panahon.

Makaraang ma-estabilisa ng TEPANG na ito ang kanyang chain of beerhouses, nag-venture na sa operasyon ng illegal gambling tulad ng jueteng.

Gamit ang koneksyon sa city hall, QCPD at sa iba’t ibang sangay ng pulisya, unti-unting nagkakapangalan si TEPANG as the emerging ‘jueteng king’ ng lungsod ni Mayor Herbert Bautista.

 Bago mapasok ni TEPANG ang illegal gambling operation, nagtayo muna ng legal na online BINGO na may prangkisa mula sa PAGCOR.

Sa loob ng nasabing outlet diyan sa Westpoint Street, Cubao binobola ang pa-jueteng nitong si TEPANG.

Alam ito at kapado ng mga opisyales ng QCPD Station 7 na matagal nang nasa payola ni TEPANG noon pa mang nasa ‘bold show’ operation pa ng kanyang beerhouses cum putahan.

Ipinagyayabang ni TEPANG ang lingguhang timbreng ipinagkakaloob sa mga tiwaling opis-yales ng Quezon City Hall at mula umano sa mismong tanggapan ni QCPD Director, General Joel Pagdilao.

Matagal nang nakabibingi sa tenga ang tunog ng pangalan ni GIL TEPANG na nakararating hindi lamang sa main office ng DILG diyan sa Francisco Gold Condominuim kundi hanggang sa Kam-po Crame.

Maging ang tanggapan ni Director Benjie Magalong ng CIDG ay madalas na ring ipinagyayabang ni TEPANG. Marami umano sa mga taohan ni Gen. Magalong ay  kanyang pala-mon.

Sentro ng koleksyon ng pa-jueteng  ni TEPANG bukod sa Cubao area ang NEPA Q-Mart na tatlong beses sa isang araw ang bola ng jueteng. Sa loob mismo ng online Bingo outlet ni TEPANG ginagawa ang aktuwal na pagbola sa resulta ng jueteng.

Marami nang opisyal ng PNP at ng media ang ginawan nang hindi maganda ni TEPANG sa tulong na rin ng kanyang mga PATONG na opisyales ng PNP at ilang bugok na politiko.

Kayanin  kaya ni Sec. Mar Roxas na gibain ang jueteng empire ni TEPANG diyan sa Kyusi na naririyan din ang kaharian ng DILG at Kampo Crame?

Totoo nga rin bang namamantikaan pati si Mayor Bistek Bautista sa katarantaduhang ito ni GIL TEPANG?

May tahid na si TEPANG sa Kyusi at kahit bagitong pulis ay kilala na siya. Ang nakapagtataka, si PO1 ay buking na ang modus operandi ni TEPANG pero tila hindi alam ni General Pagdilao at ng kanyang mga colonel at intel officers.

Hindi nga ba kapado o pasok na sa payroll ni TEPANG?

Nagtatanong lamang po General Pagdilao sir?

Speaking of illegal gambling, laganap din di-yan sa Pasig City ang lotteng  nina LAARNI, CRIS at ROSE na protektor ang pulis cum gambling lord na si JIGZ SERBILLON.

Bukod sa pagiging PATONG nitong si JIGZ SERBILLON sa lotteng at iba pang kalokohan sa nasabing lugar, maintainer din siya ng Video Ka-rera (VK) machines.

Ipinagyayabang ni JIGZ ang koneksiyon kay Mayor Bobby Eusebio.

Bukod dito, ilang opisyal ng barangay ang maintainer ng mga pasugalan gaya ng isang alyas  BRGY OFICIAL “DODO” MANDALUYONG CITY.

At tulad nang dati, inutil ang pulisya sa lan-tarang opisyong ito.

Hanggang kailan kaya makapangyayari ang bulok na sistemang ito sa pambansang pulisya?

Hanggang kelan nga ba Sec. Mar Roxas sir?

May kasunod…

ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *