Friday , April 26 2024

Sarah, ‘di itinanggi ang pagka-gusto kay Piolo

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus. /

063015 piolo pascual sarah g

KAHIT paano naman pala ay naaaliw tayo kay Sarah Geronimo na kahit umober na sa sinasabing edad para ma-involve romantically at iba pa, ay napanindigan ngang “buo” ang values.

No wonder, marami ang naiinggit sa aktres-singer na kahit na-involve sa mga lalaki ay naroon pa rin ang maganda at malinis na imahe nito.

Napakanatural kasi ni Sarah na kahit ang pagkakagusto nito kay papa Piolo Pascual ay hindi itinatanggi, pero alam mong pagtatangi lang at hindi kalandian hahaha! Tapos na ang promo ng movie nila, pero halata mo pa rin ditong kilig na kilig ito sa aktor.

Kasalukuyang humahataw sa takilya (read: P15-M ang naitalang first day gross) ang The BreakUp Playlist movie nila ni Papa Piolo, pagpapatunay ng magandang following sa kanila.

Graded A pa ng CEB ang movie kaya’t hindi makukuwestiyon ang ganda nito.

Nakatakdang i-tour ang movie sa iba’t ibang sinehan worldwide at naghihintay na nga ang mga kababayan natin sa ibang bansa na kiligin din sila at pasayahin ng mga bida ng The BreakUp Playlist.

 

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *