Friday , April 26 2024

10-anyos Chinese boy nalunod sa pool

NALUNOD ang isang 10-anyos batang Chinese habang naliligo sa swimming pool sa Binondo, Maynila kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Siu Wei Yan, Chinese national, residente ng Unit 12-E Mandarin Condominium sa Ongpin St., Binondo, Maynila.

Ayon ulat ni SPO3 Victor Jimenez ng Miesic Police Station 11, dakong 12:30 p.m. nang maganap ang insidente sa swimming pool ng naturang condominium sa ika-7 palapag.

Ayon kay SPO3 Jimenez, ang ama ng biktima na si Wei Han Chao ang nag-report ng insidente.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung paano nalunod ang biktima at kung sino ang kasama nang maganap ang insidente.

Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa management ng condominium para makakuha ng CCTV footage sa pool area.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Anne Marielle Eugenio, Rhea Fe Pasumbal at Beatriz Pereña

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *