Friday , April 26 2024

1 patay sa sunod-sunod na buhawi sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – Nababahala ang mga residente sa Pangasinan makaraan ang sunod-sunod na pananalasa ng buhawi sa iba’t ibang lugar sa lalawigan sa nakalipas na mga linggo.

Ilan sa mga residente ay nangangamba na posibleng maulit ang insidente gaya nang malakas na buhawi na tumama sa bayan ng Bayambang na isa ang naitalang patay habang 15 barangay ang naapektohan.

Nito lamang Sabado ng gabi, namataan muli ang isang waterspout na nabuo sa karagatang sakop ng Dagupan City makaraan ang mainit na maghapon.

Kasabay nang malalakas na kulog at kidlat, namataan ang naturang buhawi na tumagal nang halos dalawang minuto bago tuluyang nalusaw.

Ilang beses na rin nagkaroon ng buhawi sa Pangasinan partikular sa bayan ng Asingan, Bayambang at sa Lungsod ng Dagupan.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *