Saturday , April 27 2024

Amazing: Chinese woman bumili ng 100 aso para iligtas sa meat festival

062515 china dog save

083014 AMAZINGNASAGIP ng isang retiradong guro at animal advocate, ang buhay ng 100 aso nitong Hunyo 20 makaraan magbayad ng $1,100 para mailigtas ang nasabing mga hayop sa annual dog meat festival sa southern Chinese city ng Yulin.

Si Yang Xiaoyun, 65, ay bumiyahe ng 1,500 miles mula sa kanilang bahay sa lungsod ng Tianjin upang makasagip ng mga aso, ayon sa ulat ng Agence France-Presse.

Si Yang ay sumasagip ng mga hayop mula pa noong 1995, nang iligtas niya ang isang abandonadong pusa mula sa ilog. Noong 1999, itinayo niya ang dog and cat sanctuary na kilala bilang “Common Home for All.

“ She has taken hundreds of animals and sold her home,” at umupa ng lugar para sa mga hayop, ayon sa 2013 video kaugnay sa kanyang mga nagawa.

Inihahanda niya ang pagkain ng mga hayop na tinawag niyang kanyang mga anak, ayon sa ulat ng India Times. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang inaalagaang 1,500 aso at 200 pusa.

Ang ‘selfless act’ na ito ni Yang sa Yulin ay naganap habang nakatuon ang international observers at mga aktibista sa dog meat festival sa lungsod.

Ang pagkain ng karne ng aso ay may historical precedent sa China, ayon kay Peter Li, China policy specialist ng Humane Society International at associate professor sa University of Houston-Downtown, ngunit ang Yulin festival ay nagsimula lamang noong 2009.

Tinatayang 10,000 ang pinapatay kada taon para sa Yulin festival, kasabay ng summer solstice.

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *