Friday , April 26 2024

Low pressure sa West PH Sea bagyo na

MAPAPABILIS na ang pagpasok ng tag-ulan nang maging tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa West Philippine Sea.

Ngunit ayon sa Pagasa, nasa labas ito ng Philippine area of responsibility (PAR) kaya hindi bibigyan ng local name.

Papalayo rin ito sa kalupaan ng ating bansa kaya hindi dapat na ikabahala.

Gayonman, maaari nitong mahatak ang hanging habagat na siyang magiging hudyat ng pagsisimula ng tag-ulan.

Samantala, ang LPA na nakita kamakalawa sa silangang bahagi ng Bicol region ay tuluyan nang nalusaw.

Ngunit maaari pa rin itong magdulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.

Bukod sa dalawang LPA, may isa pang namumuong sama ng panahon ang inaasahang magde-develop sa silangan ng Mindanao.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *