Wednesday , May 15 2024

3-anyos paslit ginilitan sa leeg ng ama

DAGUPAN CITY – Hindi makapaniwala ang pamilya na gigilitan sa leeg ang 3-anyos paslit ng kanyang sariling ama sa Cabanatuan, Nueva Ecija kamakalawa.

Nais nilang mabulok sa kulungan ang suspek makaraan ang tangkang pagpatay sa bata.

Napag-alaman, nasa ibang bansa ang ina ng paslit habang nasa poder ng kanyang mga magulang ang mga anak.

Una rito, binisita lamang ng suspek ang mga anak sa bahay ng kanyang biyenan na kanya pang nakainoman.

Ngunit laking gulat na lamang nila nang marinig ang pag-iyak ng paslit na natagpuang nakadapa sa sahig habang ginigilitan sa leeg ng suspek gamit ang karit o gapas ng palay.

Nasugatan ang kamay ng lolo ng paslit makaraan awatin ang suspek sa ginagawa.

Inaalam ng mga awtoridad kung gumagamit ng droga ang suspek na agad naaresto makaraan ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos

Ate Vi muling pinatatakbo ng mga taga-Batangas, Ryan hinihikayat din

HATAWANni Ed de Leon TALAGA palang mahigpit ang petisyon ng mga Batangueno kay Ate Vi (Ms …

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

BINUKSAN nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ng pamahalaang lungsod ang Las Piñas City Crisis Center for …

Jessica Sese Francisco

HDO inihain ng BI vs ‘estapadorang’ dra.

ISANG babaeng nagpapakilalang doktor ang inilagay sa hold departure order (HDO) ng Bureau of Immigration …

doctor medicine

Akusasayon laban sa Bell-Kenz mahirap patunayan — Herbosa

AMINADO si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na mahirap patunayan ang alegasyong ‘unethical …

Dead Electricity

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *