Friday , April 26 2024

5-anyos paslit nalitson sa sunog (Iniwang tulog ni lola)

LEGAZPI CITY – Wala nang buhay at hindi na halos makilala ang bangkay ng 5-anyos paslit nang matagpuan ng kanyang lola sa nasunog nilang bahay kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si JayJay Arcilla ng Brgy. Bonga, Ligao City.

Ayon kay Nanay Nerita, dakong 6 a.m. nang iwan niya ang apo habang natutulog upang bumili ng tinapay.

Ilang minuto lamang ang lumipas, pagbalik niya, bukod sa bahay na nilalamon ng apoy, nadatnan din niya ang nasusunog nang katawan ng kanyang apo.

Ayon sa lola, sinubukan niyang iligtas ang apo ngunit nasugatan siya mula sa bumagsak na bahagi ng bahay.

Nadamay din sa sunog ang katabi pa nitong bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naging sanhi ng sunog.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *