Friday , April 26 2024

2 kelot tigok sa heat stroke

HINIHINALANG biktima ng heat stroke ang dalawang lalaking natagpuang walang buhay sa magkahiwalay na lugar sa Pasay City.

Sa natanggap na ulat ni Pasay City Police Officer-In-Charge (OIC), Senior Supt. Joel B. Doria, kinilala ang mga biktimang sina Abelardo Cruz, 60, driver, may asawa, residente ng 4927 Enrique St., Brgy. Palanan, Makati City, at Nilo Canoy, 39, ng 444 Guerrero St., Brgy. 666, Zone 72, Ermita, Manila.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong 8 p.m. nang matagpuan si Cruz ni Errol Bosquillos, secretary ng San Rafael Parish Church, Pasay City habang nakahandusay sa ikalawang palapag ng nabanggit na simbahan.

Habang si Canoy ay natagpuan dakong 10:50 a.m. habang nakahandusay sa center island ng Roxas Boulevard, panulukan ng Vicente St. ng nasabing lungsod.

Sa teyorya ng pulisya, posibleng kapwa na-heat stroke ang mga biktima dahil sa tindi nang nararanasang init ng panahon.

Jaja Garcia

 

 

 

 

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *