Saturday , April 27 2024

Daniel Fernando, muling kinilala ang galing sa pagbibigay serbisyo publiko

050715 daniel fernando golden globe

00 SHOWBIZ ms mISA pa sa dapat papurihan ay ang tahimik subalit magaling na vice governor ng Bulacan na si Daniel Fernando. Madalas kong marinig ang magaganda niyang ginagawa sa kanyang mga nasasakupan. Kaya masuwerte ang mga taga-Bulacan na nagkaroon sila ng katulad ni Daniel na prioridad ang pagtulong sa kapwa.

Kaya hindi kataka-takang bigyang halaga ang pagtulong na ginagawa ni Daniel sa kanyang constituents dahil noong Abril 11 pala’y binigyang halaga ang mga naiambag niyang tulong sa publiko.

Binigyan si Daniel ng award ng Golden Globe Medal for Distinction for Outstanding and Significant Achievement in Public Service ng Golden Globe Awards Council na isinagawa ang seremonya sa Manila Hotel.

Pinagbatayan ng naturang ng award giving council ang mga tulong at magagandang gawaing ibinibigay ni Vice Gov. Daniel na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga constituent sa pamamagitan ng mga proyekto niyang Damayang Filipino: “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo livelihood program; Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Filipino: Dugong Alay ng Bulakenyo; Damayang Filipino Computer on Wheels; Call Center Training Program; medical and feeding missions, at marami pang iba.

Itinanghal ding Outstanding Legal Legislator si Daniel noong November 2014, bilang marami siyang ginagawang ordinance at resolution.

Mahaba pa ang mga achievement ni Daniel kung ang pag-uusapan ay ang political career niya kaya naman marami ang nagtatanong kung kinalimutan na ba niya ang showbiz.

Hindi naman siguro dahil open naman siya sakaling may mga offer at kung kaya naman ng kanyang schedule. For the meantime, nakatuon muna ang kanyang pansin sa pagbibigay tulong sa mga constituent niya.

At kung tatakbo man siya sa mas mataas na posisyon, puwedeng-puwede naman dahil hindi na biro ang mga bagay na na-achieve niya kung pagtulong din lang ang pag-uusapan.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *