Friday , April 26 2024

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-2 Labas)

00 ngalan pag-ibig“Sabi sa akin ni Karl, magbabakasyon lang daw siya…” pagtatapat sa mga maykapangyarihan ng vendor na kababata ni Karl.

Malayong-malayo na si Karl nang mga oras na iyon. Sa isang probinsiya sa katimugan ang destinasyon ng bus na kanyang sinasakyan.

Umibis siya ng pampasaherong behikulo sa highway. Lumipat siya sa namamasaherong dyip. Mahigit dalawang oras pa si-yang naglakbay. Pagkaraa’y lumulan siya ng traysikel at nagpahatid siya sa barangay ng isang baryo. Isang bahay ang kinatok niya roon. Pamaya-maya, may nagbukas sa pintuan. Sumungaw doon ang matandang lalaki.

“Nonoy?”anitong naibulalas ang kanyang palayaw.

“Ako nga po, Tiyo Berto…” ngiti niya.

Nagmano si Karlo sa nakatatandang kapatid ng namayapa niyang ama.

“Napasugod ka…” sabi nito sa pagtataka.

“Problema po, Tiyo Berto…”

“Halika, ‘Noy…Tuloy ka muna…”

Ipinagtapat niya ang lahat kay Mang Berto.

“Mabigat na kaso ‘yan…” napailing-iling ang kanyang tiyuhin.

“Wala po akong ibang matatakbuhan kundi kayo,” aniyang nagpapaunawa sa matandang lalaki.

“Bakit hindi ka sumuko para linisin ang ‘yong pangalan?” naitanong nito.

“Wala po akong pera para kumuha ng abogado. Isa pa, kapag napunta po ako sa kamay ng mga gagong pulis, t’yak na paaaminin po ako para masabing mayroon silang accomplishment,” naikatuwiran niya.

Saglit na nag-isip-isip si Mang Berto.

“Ang sugat ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan,” pagbubuntong-hini-nga ng tiyuhin niya. “Sige, dumito ka.”

“Salamat po, Tiyo…” pangyayakap niya sa matandang lalaki.

Tinapik-tapik siya nito sa balikat.

“Kadugo kita,.. ‘di kita pwedeng pabayaan,” pagbibigay nito ng kapanatagan sa kanyang kalooban.

Disisyete lang ang edad noon ni Karlo nang manirahan sa Maynila ang kanilang pamilya. Pagkaraan ng limang taon, halos magkasunod lang nang mamatay sa pagkakasakit ang kanyang ina at ama. Pare-parehong may pamilya na ang mga nakatatandang kapatid na babae kaya namuhay siyang mag-isa. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *