Friday , April 26 2024

Promoter na japok estapador at binubukulan ang agency

aquim international incISANG Japanese promoter ang inirereklamo ng mga na-estafa niyang babae matapos kuhaan ng salapi ang mga babaeng nag-a-apply ng trabaho sa Japan.

Kakaiba ang raket nitong Japanese promoter na kung tawagin ay Hitomi Kunimoto.

Bukod kasi sa panghihingi ng pera sa mga babae para maiproseso ang kanilang mga dokumento ‘e hinaharang pa niya ang mga hindi niya kursunadang paalisin.

Kahit na kuwalipikado at ayos na ang dokumento ng mga lady applicant, aba ‘e pilit niya talagang haharangin.

Dahil hindi nakaaalis, marami tuloy mga applicant  ang naba-baon sa utang. Aba ‘e hindi rin biro ang gastos sa pag-a-apply ng VISA sa Japanese Embassy.

Lahat nga ng pagko-comply sa mga requirement ay ginagawa ng mga applicant pagkatapos bigla na lang haharangin ni KUTO este Kunimoto ang klanilang aplikasyon?!

SONABAGAN!

Nanawagan ang mga lady applicant na hinaharang ni KUTO ‘este mali na naman, KUNIMOTO sa kanilang agency na Aquim International Inc., na matatagpuan d’yan sa 4K Plaza Bldg., Shaw Blvd., Pasig City na imbestigahan ang ginagawang panghaharang sa kanilang aplikasyon.

Napapalusutan ni KUTO este Kunimoto ang agency at nasasalisihan ng mga gusto niyang paalisin?!

Sa anong dahilan?!

Mukhang may sariling DISKARTE si Kuto ‘este Kunimoto. At tila nabubukulan ang agency sa diskarte niyang ito.

Paging POEA! Paging OWWA! Paging DOLE!

Pakibusisi ang raket ng Japanese Promoter na si Kuto este Kunimoto na nagpapakilalang representative ng Career Corporation Inc.

Winawalanghiya ni KUTO ‘este Kunimoto ang mga Pinay applicant sa kanilang agency.

Again, paging POEA! Paging OWWA! Paging DOLE!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *