Friday , April 26 2024

Aktor, nagtaka nang magising na nasa hotel na sa Makati

00 blind itemni Ed de Leon

MAY narinig na kami, ilang buwan ang nakararaan tungkol sa isang male star. Ang alam lang niya nagpunta siya sa isang watering hole sa Makati. Tapos nagising siya the following day na nasa kuwarto siya ng isang hotel sa Makati, hubad ang kanyang damit, obviously may nangyari sa kanya that night. Pero hindi niya malaman kung sino ang kasama niya at sino ang nagdala sa kanya sa hotel na iyon. Ang natatandaan lang niya ay nagpunta siya sa isang watering hole sa Makati. Nang lumabas siya sa hotel, tuloy-tuloy lang siya.

Ni hindi niya nagawang itanong kung paano siyang napunta roon, after all iba na ang staff ng mga oras na iyon dahil umaga na, at nahihiya rin siya. Iyong kotse niya ay binalikan niya sa parking area nang pinuntahan niyang watering hole the night before, pero wala ring nakapansin doon kung sino ang kasama niyang umalis, at nahiya rin naman siyang magtanong.

Noong mabalita isang gabi sa TV iyong naging raid ng NBI, at nahuling bagong droga na sinasabi nilang “liquid ecstasy”, pumasok sa isip namin, hindi kaya iyon ang nakabiktima sa male star? Kasi may epektong “temporary amnesia” rin ang nasabing droga, at naipapatak lang sa drinks dahil parang tubig lang iyon, medyo mapakla raw ang lasa, pero tatlong patak lang sapat na para matangay ang biktima.

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *