Friday , April 26 2024

Taxi driver biktima ng holdap, karnap

HINOLDAP na tinangayan pa ng sasakyan ang isang taxi driver sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay Supt. Romeo Odrada, Malate Police Station (PS9) commander, dakong 3 a.m. naghahanap ng pasahero ang biktima nang parahin siya ng isang lalaki sa Pasong Tamo St., Makati City.

Nagpahatid ang lalaki sa Zobel Roxas St. ngunit bago dumating dito ay nagdeklara ng holdap at tinutukan siya ng baril ng suspek.

Pinahinto ang taxi sa Dian St. at siya ay pinababa saka pinaharurot ng suspek patungo sa Osmeña Highway ang sasakyan.

Ipinaalarma na ng pulisya ang taxi na may pangalang Game Boy  (UVG-160) at pinaalalahanan ang publiko na iulat sa pulisya kapag nakita ito.

Joshua Moya/Mary Joy Sawa-An/Darwin Macalla

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *