Friday , April 26 2024

Investigative Reporter Itinumba Sa Batangas  

FRONTPATAY ang isang dating correspondent ng pahayagang Philippine Daily Inquirer makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Balagtas, Batangas City nitong Lunes ng hapon.

Isang bala sa ulo tumapos sa buhay ng 40-anyos na si Melinda ‘Mel’ Magsino, dati rin stringer ng TV-5 at nagmamay-ari ng massage clinic sa lungsod.

Ayon kay Batangas City police chief Manuel Castillo, kabilang sa tinitingnang anggulo ang pagiging dating mamamahayag ni Magsino.

Nabatid na ilang oras bago ang pamamaril, may binabanatan pa ang biktima sa kanyang Facebook account na isang lokal na opisyal sa isang bayan sa Batangas.

Tinitingnan din ang anggulong love triangle dahil may kinakasama ang biktima kahit may asawa pa.

Hindi pa nakikilala ang mga suspek habang pinabubuksan na rin ng pulisya ang Facebook account ng biktima.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *