Friday , April 26 2024

Ang TGIF-sexcapade ni Immigration ‘Lolo Lover Boy’ Official (Cannot be located every Friday)

immigration PDAMATAPOS mabulgar ang romantic sexcapades sa Huma Island Palawan rendezvous, muli na namang kumalat na parang virus sa BI main office ang balitang magkasama nitong nakaraang isang weekend ang mag-lolo ‘este’ mag-jowang BI Lolo lover boy Official at ang kinababaliwan n’yang si alias Lady Valerie sa isang pabulosong resort na Misibis Bay sa Cagraray Island sa bayan ng Albay.

Talagang wala na raw makapipigil pa at ulol na ulol na ang pagkahaling ng mabog-ling Immigration official na siya namang ipinag-aalala ng kanyang mga kasamahan sa ahensiya,

 ‘E Talaga naman daw pinangatawanan na rin nitong si Lolo lover boy ang larong basketball na siya rin namang hilig ng kanyang chikababes?!

Well, I’m sure habang panay ang shoot and dribble sa kanilang one-on-one ball game ni Lolo lover boy, ‘e wala namang puknat ang cheer nitong si alias Lady Valerie ng more, more, more!!!

And after that, hingal siyempre sila to the maxx!

Nag-aalala na kasi ang mga empleyado sa BI main office  dahil baka raw tuluyan nang mabaliw ‘este mapabayaan ni Immigration Official ang kanyang trabaho dahil sa pagkahumaling sa latest found-lust ‘este love n’ya!?

Madalas kasi pagdating daw ng araw ng Biyernes, nagiging invisible at hindi na makita sa kanyang opisina si Lolo lover boy at kahit anong tawag sa kanyang cellfone ang gawin, talaga raw cannot be reached na.

Hindi bale kung official business ang inaatupag ‘e kaso ang ginagawa ay paglalamiyerda kasama ang kanyang s’yota.

Aba Mr. Lolo lover boy, pinasusuweldo ka ng taong bayan bilang isang government employee!

Bago mo unahin ang init ng puson mo ‘e magtrabaho ka muna nang maayos! Pagnanakaw na ‘yang ginagawa mo!

Baka makasuhan ka ng pandaraya sa Ombudsman.

Madame SOJ Leila De Lima, medyo time-out ka muna riyan sa iyong Mamasapano report at pagtuunan nang kahit konti ang mga nangyayaring kamalasadohan sa isa sa iyong mga ahensiya!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *