Saturday , April 27 2024

Gomez tinibag si Chao

ni Arabela Princess Dawa

080514 Chess

BINULAGA ni Pinoy GM John Paul Gomez si super GM Li Chao sa ninth at final round ng 5th HDBank Cup International Open Chess Tournament 2015 kahapon sa Vietnam.

Tinalbos ni No. 7 seed Gomez (elo 2524) si top seed Chao (elo 2721) ng China matapos ang 58 moves ng English upang ilista ang 6.5 points sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system.

Nakisiksik si Gomez sa third to sixth places kasama sina Chao, ranked No. 3 GM Nguyen Ngoc Truong Son (elo 2659) ng Vietnam at kababayang si IM Haridas Pascua.

Matapos kuwentahin ang tie-break points nasungkit ni Chao ang pangatlong puwesto, pumang-apat si Truong Son habang fifth at sixth placers sina Pascua at Gomez ayon sa pagkakasunod.

Pinisak ni Pascua si IM P. Karthikeyan (elo 2452) ng India sa 27 sulungan ng King’s Indian kaya bukod sa pag-alagwa ng elo rating points ng P inoy ay nakuha nito ang pangalawang GM norm.

Kampeon si GM Le Quang Liem ng Vietnam matapos pagpagin si WGM Rout Padmini (elo 2454) ng India.

Nakapagtala ng 7.5 puntos si Le habang solo sa segundo puwesto si GM Zhang Zhong (elo 2614) ng Singapore matapos makipaghatian ng puntos kay Nguyen.

May total pitong puntos si Zhong.

Nasa eighth place si Asia’s first grandmaster Eugene Torre bitbit ang anim na puntos.

Nauwi sa draw ang laban ni 63-tear old Torre kay GM Duc Hoa Nguyen ng host country.

Ang ibang Pinoy na nagwagi sa last round ay sina GM Julio Catalino Sadorra, IM Paulo Bersamina at Stewart Manaog.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *