Saturday , April 27 2024

Amalia, nagwala habang ikine-cremate si Liezl

031715 Amalia Fuentes Liezl Sumilang albert Martinez

00 fact sheet reggeeNAGWALA raw si Ms Amalia Fuentes habang ikine-cremate ang anak niyang si Liezl Sumilang-Martinez sa Arlington kahapon, Marso 16.

Base sa natanggap naming, mensahe, ”sayang wala ka rito, nagwawala si Amalia, hindi raw kasi sinabi sa kanya ang schedule ng cremation, si Aga (Muhlach) pinapakalma siya.”

Nagtaka kami kung bakit may mga ganoong isyu, akala kasi namin ay okay na sina Ms Amalia at Albert (Martinez), hindi pa pala.

”Ano ka ba, ‘di ba nga hindi sila okay mag-ina, hindi rin okay sina Amalia at Albert kasi nga hindi siya boto.

“Kaya ipinangako niya sa sarili niya na maski na anong mangyari ay walang makukuhang tulong o mana si Liezl mula kay Amalia,” banggit sa amin.

Parang hindi naman kami makapaniwala sa tsikang ito dahil akala namin ay maayos na ang lahat simula noong naglabas-pasok sa ospital si Liezl dahil nga balita namin ay nagka-usap na sina Ms. Amalia at Albert.

Malalaki na ang mga apo ni Ms. Amalia na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa at ang gaganda’t guwapo kaya sigurado kaming nabura na lahat ang anumang galit na naramdaman noon ng ina ni Liezl.

Dagdag pa na kaya rin daw nagwala kahapon sa cremation si Ms. Amalia ay hindi raw na-acknowledge ang pagdating niya at maging ang tatay ni Liezl na si Bobby Vasquez ay hindi rin daw pinansin.

Nakalulungkot naman, sana magkaayos na sina Albert at Ms. Amalia.

DAHILAN NG PAGWAWALA NI AMALIA

NARITO ang mga sinabi ni Ms Amalia Fuentes kahapon sa ginanap na cremation ng anak niyang si Liezl Sumilang-Martinez.

Alas dose ng tanghali isinagawa ang cremation sa Arlington base na rin sa bilin daw ng namayapa.

Isa-isang nagsalita ang mga naulila’t kaibigan ni Liezl at huli ang kanyang ina.

Nakapagbigay ng kanyang testimonya si Ms Amalia ng mga oras na iyon—12:49:59.”Liezl is irreplaceable in my life, she is my only child everyone else there now can replace her. Albert can get married again, I’m not saying no but he can replace Liezl as a wife and to his children when they eventually get married, they can find a mother in law and that will be a replacement for Liezl. Ako, I can never replace my daughter. I’m the only one among all of them who has the biggest lost, the greatest lost;

12;51;01—”Andito ako sa sideline because I know she is married and that is what her husband requires her na sila-sila lang, so for the longest time I was never a part of her life but I was always there for her and ‘yung mga pakitang tao na publicity, ‘yung mga picture taking, ‘yung mga sweet hindi ‘yan totoo, it’s in the heart;

12;51;31—”The last time I talked to her she was all alone in her bedroom and she was crying, she was alone for heaven’s sake. Her children Alissa was in school, Albert was taping, she was left alone and I was there and this host of whatever place this is failed to mention the most important person in her life, si Bobby her father and me as because I can never replace Liezl whatever happens.

2;52;17—”Kaya lang ako hindi naging upset when I found out she has cancer because I was hoping na mauuna ako I was thinking I will not experience this day which is the worst day of my life and I feel like ako na ang dapat mamatay. So, I want to let the whole public know that even though we are not mentioned because puro father puro asawa puro lahat, we are here and we are the most important people.

12;53;18—”Now on her last days I wanted to be part again of that life. Alam niyo ba kung bakit ako na-late, hindi ko alam kung saan gagawin, sila-sila ang nag-decide ‘yung mga bestfriend mga ganoon. Ako, where was I nowhere nobody talked to me, nobody gave me the schedule everytime people will ask me, I don’t know I’m just a guest ganoon ang ginawa nila sakin.”

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *