Friday , April 26 2024

Karla, excited sa pagbalik sa harap ng kamera

030615 karla estrada

00 fact sheet reggeeISA si Karla Estrada sa celebrities na mag-i-impersonate ng mga kilalang foreign at local music icon sa bagong programa ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Marso 14 at 15.

Excited si Karla dahil kantahan ang nasabing show na talagang forte naman niya at kabado nga raw siya kung sino ang gagayahin niya dahil bunutan system pala ito.

Ayon kay Karla, nagdesisyon na siyang bumalik sa harap ng kamera, “nag-decide na ako kasi alam ko namang ikatutuwa niya (Daniel Padilla) ito kasi alam niyang gusto kong magkaroon ng (trabaho), kasi ‘di ba, apat na taon na siyang (Daniel) siya ‘yung nagtatrabaho, mayroon akong pakonti-konti, pero parang (kulang). Of course, masarap pa ring pakinggan na hindi lang siya ‘yung bread winner kundi kaming mag-ina ang nagtutulungan. Noong in-explain ko sa kanya (umokey) kasi ayaw niya (Daniel) talaga.

030615 Daniel Padilla karla Family

PAG-AARTISTA NG KAPATID NA BABAE, ‘DI PINAYAGAN NI DANIEL

“’Yung isang kapatid nga niya, ‘yung bunso, si Carmela kinukuhang mag-artista para sa bagong show, hinindian niya (Daniel), solong teleserye sana, sinabi ni DJ na huwag, ayaw niyang parang package deal.

“Sabi ko, ‘anak hindi naman kasi iba naman, eh’, sabi niya, ‘pag-aralin mo ‘yung mga babae, pagtapusin mo na muna’ kaya sabi ko, ‘okay’. Hindi kasi sinabi ‘yan ng nanay (Karla) ko rati na noong natuto akong mag-spelling ng pangalan ko, sabi (karla), magtrabaho ka na!’ ha, ha, ha biro lang,” tumatawang sabi ni Karla.

090514 Daniel Karla

DANIEL, MAG-AARAL AT KUKUHA NG FILMMAKING SA UP

Hindi kasi nag-aaral ngayon si Daniel dahil kaliwa’t kanan ang trabaho at kolehiyo na pala siya pagpasok niya na ang gustong kunin ay, “filmmaking sa UP, gusto niya ng ganoon, ayaw niya ng home school, gusto niya regular school, gusto niyon nasa loob ng paaralan.

“Kaya sabi ko, ‘sige anak bigyan mo pa sarili mo ng isang taon, tantiyahin natin baka sa susunod na taon puwede ka ng pumasok, this year kasi walang bakante, magtatrabaho siya hanggang first quarter ng 2016,” kuwento ng aktres.

Naniniwala si Karla na iba pa rin ang may tinapos kaya pinu-pursige rin niya si Daniel na mag-aral talaga at naniniwala rin siya na magtatagal ang kasikatan ng anak niya.

“Nang mag-umpisa siya, nakita ko na tatagal siya, hindi dahil anak ko siya. Ang tagal ko na rin sa industriya at nakita ko na ang mga panandalian at magtatagal, nataon na sa anak ko nakita ko na hindi ko naman nakita iyon sa ibang anak ko,”pagtatapat ni Karla.

Samantala, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kamakailan ang ibang KathNiel fans at Vice Ganda dahil hindi raw nagustuhan ang kaunting exposure nina Daniel at Kathryn Bernardo sa programang Gandang Gabi Vice.

Sumobra raw ang supporters nina Daniel at Kathryn.

030615 kathniel karla

PINAGSABIHAN ANG KATHNIEL FANS

Naglabas ng sama ng loob si Vice na hindi man lang daw nagpasalamat ang KathNiel sa kanya tapos nakatikim pa siya ng pamba-bash.

“Alam mo sa rami nila (KathNiel supporters), hindi ko talaga kayang isuheto (pagsabihan), apat nga lang na anak, ang hirap. Doon na lang ako sa respetuhan na lang.

“Bilang nanay ng lahat, nag-tweet ako na huwag tayong ganoon, marami tayong dapat ipagpasalamat kaysa ireklamo at nabasa nilang lahat iyon,” paliwanag ni Karla.

Wala naman daw reaksiyon si Daniel sa nangyari, pero pinagsabihan niya, “si DJ hindi kumikibo, ‘pag pinagsabihan ko ‘yun, nakikinig lang siya, pero wala siyang masamang masabi.

“Hindi pa rin kami nag-uusap ni Vice kararating ko lang noong isang araw, wala namang problema kasi nandoon nga ako sa birthday niya (Vice), at saka masyadong mababaw ‘yun para sa pinagsamahan namin at sa pagmamahal niya sa mga anak ko. Oo walang problema ‘yun, si DJ lang ‘yun, sabi ko puntahan mo na si Tito Vice mo at yakap-yakapin mo na roon, ganoon lang,” kuwento ni Karla.

Sa kabilang banda, galing ng Europe si Karla at nang tanungin namin kung sino ang kasama niya, “naku, huwag na nating (tanungin) kasi baka iba na kasama ko ‘pag bumalik ako,” tumawang sabi ng singer/aktres.

030615 sharon cuneta karla

GUSTONG GAYAHIN SI SHARON CUNETA

Going back to Your Face Sounds Familiar, isa raw si Sharon Cuneta sa gustong gayahin ni Karla.

“May conscious effort naman akong magpapayat, pero sa ngayon pananatilihin ko muna ng tatlong buwang ganito (mataba) para may pagkakaiba naman ako roon sa mga sexy or else, pare-pareho na kami.

“Ang iniisip ko lang, ang laki ko baka hindi ako makasayaw, unfair sa iba, pero kung kailangan kong sumayaw, why not, magre-wrecking ball nga raw ako, kaya lang sabi ni Maggie, ‘your gonna wreck the ball,” pahayag ni Karla.

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *