Saturday , April 27 2024

Tongpats sa Parañaque City Hall talamak  

00 Bulabugin jerry yap jsyNALULUNGKOT tayo sa sinasapit ng liderato ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Kung pakikinggan natin ang mga sumbong at hinaing na nakararating sa atin, tila natutsubibo umano at nabubukulan si Yorme Edwin ng ilang tirador d’yan sa City Hall.

Mukhang kailangan na talaga busbusin ni Mayor Edwin ang talamak na ‘TONGPATS’ sa city hall na kinasasangkutan umano ng ilang tauhan niya.

Lalo na umano d’yan sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) na talagang sasakit ang ulo ng mga aplikante dahil sa laki ng patong sa insurance!?

Ipinabubusisi rin ng mga empleyado sa COA at Ombudsman ang bidding-

bidingan sa insurance para sa business permit.

Hindi lang sa BPLO, maging sa mga kontratista ay malaki rin umano ang hinihinging tongpats o SOP.

Kumbaga, kapag nakakuha ng kontrata, may tongpats agad at sa implementation hanggang sa pagtatapos ng kontrata meron pa umanong hihirit.

‘Yun bang tipong, trabaho lang ang nakukuha ng contractor at lahat ng kita ay napupunta sa tongpats!?

Hak hak hak!

Pero higit tayong nagulat sa tsismis na, may kabahagi ng tongpats ang Paranaque city public information office (PIO)?

OMG?!

Totoo ba ‘yan Ms. Eva Nono?

Aba ‘e paki-esplika nga!

Pantasya ni BI official naisakatuparan din

ISANG opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang tila nagkaroon na umano ng katuparan ang matagal nang init ‘este’ pantasya sa buhay.

Dati raw kasi ‘e ‘struggling’ pa si BI official noong wala pa siya sa bureau. Pero ngayong made na made na siya ay naisakatuparan na niyang makapiling ang isang actress/starlet na matagal na pala niyang pinapantasya na maikama ‘este maging siyota.

Wowowee naman!!!

Ang sexy starlet talaga ang tinarget ni BI official.

Dahil made na nga siya, can afford na niyang ibahay ang isang very high maintenance na kept woman.

Tawagin na lang muna natin ang kept woman na starlet na si Ms. VC as in very charming and very caring.

Si Ms. VC umano ay may love child na sa kanyang ex-lover na basketbolista.

No wonder kung bakit lalong nahihilig daw ngayon sa basketball si Immigration official.

Gusto yatang ‘tapatan’ ang ex ni Ms. VC sa larong basketball. Kaso ang alam lang ‘ata ni BI official ay “shoot muna bago dribble!?”

Nakupo!

Wala talagang tutang naulol!? Kung kelan naman pumuti ang buhok ni Immigration dirty ‘ol man saka lalong naging mabog-li?!

Paalala ko lang, immorality ‘yan Bossing! Tama ba ako Danny boy?

Anyway, talagang kakaiba ang libido mo, Sir! Tatahi-tahimik ka pero may itinatago ka palang kulo!

(Clue: Minsan na rin daw na-invite si sexy starlet sa isang event sa BI).

Ang Little MPD Director (Alaga ng PCP Plaza Miranda)

Hanggang ngayon, patuloy ang talamak na kotongan sa A.O.R. ng Plaza Miranda PCP. Kahit na madalas pa daw na nagsu-surprise inspection si General Rolly Nana ay tila hindi daw tumitindig ang balahibo ng tiga-Plaza Miranda PCP. At ‘yan ay dahil sa isang lespu na alias POTRES RUDING PALUNDAG na nagsisilbing tiga-timbre sa kanila kapag mai-inspection si D.D. Alagang alaga at binubusog nga daw ni Punyente ‘este’ Tinyente Rommel Anicete ang hinayupak na POTRES PALUNDAG. Ayon sa ilang matinong pulis sa MPD HQ,itong si POTRES RUDING PALUNDAG ay may sariling kolektong ng tara na gamit ang MPD office of the district director. Hindi ka kaya nabubukulan ni POTRES RUDING MANGNYAKAW, Gen. Nana!? For your information Gen. Nana,itong si Potres palundag ang nagdidikta pa raw sa mga station at PCP commander kung magkano ang “parating” dapat sa iyong opisina!? Totoo ba ‘yan Sir Naknak ‘este Nana!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *