Friday , April 26 2024

Lee Seung Gi, mas sikat daw kay Lee Min Ho sa Korea

020215 Lee seung gi Lee Min Ho

00 fact sheet reggeeSEOUL, Korea — Nanakatutuwa si manong driver na nag-service sa amin mula Incheon Airport patungo sa bahay na titirhan namin sa Seoul dahil sumingit siya sa usapan namin nang marinig niya ang pangalang Lee Min Ho na sikat na Korean actor sa Pilipinas.

Kaliwa’t kanan kasi ang billboard ni Lee Min Ho sa mahabang kalyeng binabaybay namin patungong Seoul at bigla niyang ipinakita ang cellphone niyang may kuha sila ng nasabing Korean actor sa airport.

Kuha raw iyon isang araw bago kami dumating kaya kaagad namin tinanong kung sino ang mas sikat sa kanila ni Lee Seung Gi.

Kaagad kaming sinagot ng, ”Lee Seung Gi is number one here (Korea), he’s very good!”

Nag-react kami nina katotong Rohn Romulo, Noel Orsal, at Kristina Orfiano dahil unang-una hindi naman natin masyadong napapanood sa mga Koreanovelang ipinalalabas sa Pilipinas si Lee Seung Gi kaya paano siya naging sikat?

Mas sikat si Lee Min Ho para sa amin dahil kaliwa’t kanan ang Koreanovela niya tulad ngayon na kasalukuyang umeere ang Faith pagkatapos ng Aquino and Abunda Tonight.

Bukod dito ay mas maraming Asian tour si Lee Min Ho, katunayan, nasa Pilipinas ulit siya ngayong Pebrero.

Samantalang si Lee Seung Gi na sobrang paborito ng katotong Vinia Vivar ay isang beses lang namin napanood ang Koreanovela niya sa Pilipinas at hindi pa yata nag-rate dahil hindi naman napag-usapan.

At higit sa lahat ay walang interesado sa kanyang papuntahin sa Pilipinas.

Pero ang sabi ni manong driver, ”Lee Seung Gi is good in comedy (sabay thumbs up) number one here (Korea).

How about Lee Min Ho, ”good, he’s old.”

Si Lee Seung Gi raw ay multi-talented dahil kumakanta rin bukod sa sikat na komedyante at magaling ding mag-drama.

Hindi pa rin kami naniniwalang mas sikat si Lee Seung Gi kasi maski rito sa Seoul ay mas marami ring product endorsement si Lee Min Ho na kaliwa’t kanan ang poster sa lahat ng convenient stores dito samantalang ang una ay wala kaming nakita ni isang poster o cover sa magazines, ay mayroon pala, endorser ang una ng isang toothpaste.

At tsinek namin kung ilang taon na na si Lee Seung Gi dahil mas matanda raw si Lee Min Ho, eh, hindi naman pala totoo dahil mas matanda ang una.

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *