Friday , April 26 2024

Pambato ng ‘Pinas sa Miss Universe, nabigong makapasok sa Top 5

012715 miss universe 2015

00 SHOWBIZ ms mHINDI pinalad makapasok ang ating pambato sa 63rd Miss Universe pageant na ginanap sa FIU Arena, Doral-Miami sa Florida noong Linggo (Lunes sa atin). Hindi nakuha ni Mary Jean Lastimosa ang suwerteng dala-dala nina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Ariella Arida na nakapasok lahat sa international pageant’s Top 5.

Gayunman, hindi naman nabigo ang ating mga kababayan nang kahit paano’y makapasok si MJ sa Top 10.

Itinanghal na Miss Universe ang pambato mula Colombia na si Paulina Vega, 22, sinundan ito ng Miss USA na si Nia Sanchez, Miss Ukraine Diana Harkusha, Miss Netherlands Yasmin Verheijen, at Miss Jamaica Kaci Fennel.

Iginawad naman ang Miss Congeniality special award, (na ang nagwagi’y mula sa boto ng mga kasamahang kandidata) kay Miss Nigeria. Si Miss Puerto Rico ang itinanghal na Miss Photogenic, samantalang si Miss Indonesia ay nakakuha ng award bilang Miss National Costume.

Napag-alaman naming isinilang noong Enero 5, 1993 si Paulina mula sa Barranquilla, Colombia. Anak siya nina cardiologist Rodolfo Vega Llamas at Laura Dieppa, at apo ng legendary tenor na si Gatsón Vega. Apo rin siya ni Elvira Castillo, Miss Atlántico 1953 (Colombia). Nagtapos ng business administration si Paulina sa Universidad Javeriana sa Bogota. Modelo na siya simula pa noong walong taong gulang pa lamang.
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *