Saturday , April 27 2024

Ama tiklo sa pasalubong na shabu

120614 shabu prisonHINDI nakapalag ang isang ama na dadalaw sa kanyang anak sa piitan nang makompiskahan ng shabu sa bulsa sa detention cell ng Makati City Police Headquarters kamakalawa ng hapon.

Katulad ng kanyang anak, nakapiit na rin ang suspek na si Joey Banastao, 42, ng Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng nasabing siyudad.

Base sa ulat na nakarating kay Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto Barlam, dakong 5 p.m. nang makompiskahan ng hindi pa nabatid na dami ng shabu sa kanyang bulsa ang suspek sa entrance gate ng detention cell.

Dadalawin sana ni Banastao ang anak na nakakulong dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *