Saturday , April 27 2024

Arabiano nilamon ng dagat (Sa San Juan, La Union)

112514 deadLA UNION – Patay ang isang Arabian national habang nakaligtas ang dalawa niyang kasamahan makaraan malunod sa karagatang sakop ng Brgy. Urbiztondo, sa bayan ng San Juan, La Union kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Amgad Faez Abdullah Qasem, 16, taga-Riyadh, Saudi Arabia, at kasalukuyan nakatira sa # 45 D’ Apartment 9, Brookside, Baguio City.

Ayon kay Senior Insp. Regelio Miedes hepe ng San Juan PNP, nagtungo sa dagat ang biktima kasama ang dalawang kaibigan para maligo.

Ayon kay Miedes, tinangay ng malalaking alon ang mga biktima na sanhi ng pagkalunod ni Qasem.

Napag-alaman, bago ang insidente ay naabisuhan na ang biktima na huwag maligo sa malim na parte ng dagat ngunit hindi nila ito inalintana.

Inihayag din ni Miedes na inamin ng dalawang nakaligtas na pare-pareho silang hindi marunong lumangoy.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *