Friday , April 26 2024

GMA balik VMMC na (Christmas furlough tapos na)

110414 CGMANAKABALIK na sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Bandang 2 p.m. nagtapos ang Christmas furlough ni Arroyo sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City.

Martes, Disyembre 23 nang makalabas ang Pampanga solon sa pagamutan, sa bisa ng Sandiganbayan resolution.

Bagama’t aminado ang kampo ni Arroyo na bitin ang furlough, masaya na rin sila sa pansamantalang pag-uwi ng dating presidente.

Ilan sa mga dumalaw sa mambabatas ay ang mga dati niyang tauhan, grupo ng mga madre at ang kanyang mga anak at apo.

Si CGMA ay naka-hospital arrest dahil sa kasong plunder dahil sa sinasabing paggamit ng PCSO fund para sa political purpose noong nasa pwesto pa sa Malacanang, bagay na itinanggi ng Arroyo camp.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *