Saturday , April 27 2024

Si Korina ba ang chief PR ni Roxas?

00 BANAT alvinMARAMI ang naglalabasang balita sa ngayon na si Mam Korina Sanchez na raw ang nagmamando at nagpapaplano ng pagpapapogi sa kanyang asawa na si DILG boss Mar Roxas.

Hands on na raw ang lady anchor ng DZMM at ABS sa pagpapapogi sa kanyang asawang si Mar na sa mga ilalabas na istorya sa media lalo na sa telebisyon.

Sa sitsit ng ating tiktik, nagsimula raw ang pagmamando ni Aling Korina, mga apat na buwan na ang nakalilipas at mukhang naging matagumpay naman daw ito dahil umangat nang konti sa rating game si Mar habang ang kaibayo niyang si Vice President Jojo Binay ay unti-unti namang nahuhulog sa bahagdan ng labanan.

Maging ang itatakbo ng negatibong istorya raw sa mga kalaban ni Roxas ay pinakikialaman ni Korina at diyan mukhang agrabyado si Binay dahil mukhang mahina ang diskarte ng kasalukuyang operator nito sa media.

Bukod kasi sa mahina ang diskarte ng PR ni Binay ay may network naman talaga si Aling Koring sa news department ng mga TV stations dahil ang mga tauhan naman sa channel 5 at 7 ay galing din naman sa ABS-CBN.

Marami na rin daw ang tumataya kay Roxas sa ngayon dahil may budget daw ang lahat ng ginagawa nito maging ito man ay media operation at sa ipa bang gawaing politikal.

Sa ngayon ay kailangan na raw ni Binay ng pagbabago sa kanyang taktika at taong nasa likod ng kanyang kampanya dahil kapag nagpatuloy daw ang ganitong diskarte ay tiyak na sa pagkatalo ang kanyang kahahantungan dahil mukhang mali lahat ang diskarte ng kanyang mga tauhan.

Pokus at tamang plano ang labanan sa ngayon at diyan nasa tamang daan si Roxas sa tulong ni Korina dahil malinaw sa sinabi natin sa mga nakalipas nating kolum na ang solusyon para makaangat si Mar noon ay pagbabago.

Iyan ngayon ang dapat gawin ni Nognog dahil mukhang pabigat nang pabigat ang kanyang binubunong laban na talaga namang laro ng mga hunghang.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *