Saturday , April 27 2024

SC jurisprudence, mababaligtad ba?

00 Kalampag percyMALAKI ang tsansang bumaha ng kandidatong mga ex-convict sa 2016 elections at makabalik sa public office si convicted child rapist at da-ting Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos.

Puwede lang naman itong mangyari kapag kinatigan ng Korte Suprema ang depensa ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na kasama raw naibalik sa kanya ang kanyang civil at political rights sa iginawad na pardon sa kanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Interpretasyon o imahinasyon lang ni Erap na kasamang naibalik sa kanyang pardon ang karapatan na muli siyang makatakbo sa anomang puwesto sa pamahalaan matapos mahatulan ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong sa salapi ng bayan.

Hindi gayon ang naunang desisyon na kung tawagin ay jurisprudence na dapat pagbatayan sa pagkakadiskuwalipika ng Supreme Court kay Jalosjos na napatawan ng parusang habambuhay o lagpas isang taon na pagkabilanggo sa kasong may kinalaman sa moral turpitude.

Sa kaso ni Jalosjos, sinabi ng SC na ang karapatang makaboto at iboto ay kailangang “expressly remitted” o maliwanag na nakasulat dapat nang letra por letra sa iginawad na pardon sa sinomang nahatulan nang mula isang taon pataas na pagkabilanggo, na ang desisyon ay ibinatay sa Section 2, Article 36 at 41 ng Revised Penal Code.

Si Jalasjos ay diniskuwalipika nang habambuhay ng Kataas-taasang Hukuman na makatakbo sa alinmang puwesto sa gobyerno noong Agosto 2013.

Kung babalewalain ng SC ang mga natu-rang batas na ginamit nilang batayan para habambuhay na idiskuwalipika si Jalosjos ay mawawasak ang Rule of Law o kawastuhan ng batas kapag nagkaroon ng magkaibang version ang batas sa magkatulad na kaso nina Erap at Jalosjos.

Ang tanong na lang ay kung magagawa bang baligtarin ng mga mahistrado ng SC ang kanilang naunang desisyon sa kaso ni Jalojos pagdating sa kaso ni Erap na sila rin ang gumawa?

‘Yan po ang ating abangan!

Bakit takot mapatalsik si Erap sa Maynila?

HINDI pa man nag-iinit ang puwet ni Erap sa Manila City Hall ay nabuko na ng Commission on Audit (COA) na halos tatlong bilyong piso ang nawawala sa kaban ng lungsod.

Sa kanilang 2013 audit report, ipinalamon ng COA kay Erap ang kanyang bukambibig na bangkarote at lubog sa utang ang Maynila nang kanyang datnan.

Dahil dito, panibagong kaso na naman ng pandarambong ang nakaamba na posibleng magbabalik kay Erap sa kulungan, kaya lahat ng paraan ay kanyang gagawin upang makapaglambitin sa puwesto bilang de facto mayor ng Maynila.

Maliban d’yan, bilyon-bilyong pisong halaga ng kontrata ang ikinasa at niluto ni Erap sa mahigit isa’t kalahating taon kaya’t kapag nadiskuwalipika siya, tiyak na mababasura ang lahat nang ito, uulanin siya ng demanda at maoobliga siyang ibalik ang kuwartang nakolekta na niya sa mga negosyanteng nakotongan niya.

Sakaling magtagumpay siya sa ‘paggapang’ sa Korte Suprema na i-delay ang pagdiskuwali-pika sa kanya hanggang abutin na ng 2016 elections, makapagpa-file pa siya ng certificate of candidacy bilang presidentiable.

Balita natin, hindi lang kuwarta ang gina-gamit ni Erap para maudlot ang desisyon sa DQ case, nagpapakalap din siya umano ng dossier ng 15 mahistrado para magamit niyang pam-blackmail.

Malakas ang loob niya dahil nasa bulsa niya ang Napoles Press Club na laging nakahandang makipagsabwatan sa masasama niyang plano sa bansa.

Nariyan din ang ilang bayarang grupo na puwedeng hakutin para mag-rally upang ipagtanggol ang kanyang kabuktutan at kabuhungan.

Balita nga natin, kasalukuyan na silang kumikilos para humakot ng mga bayarang magbabarikada sa Manila City Hall na magmumula pa sa Navotas, Makati at lalawigan ng Laguna.

Susmaryosep, anong klaseng bansa ang iiwanan natin sa susunod na henerasyon kung papayagan nating dapurakin ng masasamang loob ang ating batas?

Memorandum ni Mayor Lim; “De Facto” Mayor si Erap

INUTUSAN ng SC noong nakalipas na Abril na magsumite ng kanilang memoranda ang lahat ng sangkot sa DQ case ni Erap, kabilang si Ma-yor Alfredo Lim bilang intervenor.

Nauna nang hiniling ng SC ang pagsali ni Lim sa isyu dahil siya ang makikinabang sakaling madiskuwalipika si Erap.

Payak at walang paligoy-ligoy ang isinumiteng memorandum ni Lim sa Korte Suprema.

Aniya, ang certificate of candidacy (COC) ni Erap ay void ab initio, o walang bisa sa simula pa lang ng 2013 elections kaya’t hindi dapat bilangin ang mga boto ng diskuwalipikadong kandidato.

Sabi pa niya, ang isang disqualified candidate ay hindi talaga naging kandidato kaya’t hindi ito puwedeng ideklarang nagwagi sa halalan.

“Obtaining highest number of votes does not cure the ineligibility of a candidate,” sabi pa ni Mayor Lim.

Hindi maaaring ituring na second placer o pangalawa lamang si Lim noong May 2013 elections dahil siya lang ang bukod tanging kuwali-pikadong kandidato sa pagka-alkalde sa nasa-bing halalan.

Kapag kinansela na ang COC ni Erap, ibig sabihin, siya’y isang ‘de facto’ o walang legal na basehan bilang alkalde ng lungsod.

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *