Saturday , April 27 2024

Permanent evacuation centers ang kailangan

00 pulis joeyMASYADONG malalakas na ngayon ang mga bagyong pumapasok sa ating bansa.

At dahil kalbo na ang ating mga kabundukan dulot ng mga illegal logging at sira na ang mga ilog sanhi ng walang patumanggang mga pagku-quarry ay nagbubunga ito ng matitinding pagbaha sa kapatagan at landslides sa kabukiran.

Dahil umaabot na rin ng hanggang Signal No. 3 pataas ang lakas ng hangin ng mga bagyo ay nagdudulot ng matinding daluyong sa karagatan o storm surge tulad ng dala ng bagyong Yolanda noong 2013 at Ruby kamakailan lang sa Eastern Visayas – kinain ng alon ang kabahayan sa coastal areas, na ikinasawi ng maraming buhay.

Tiyak na mauulit nang mauulit pa ang mga kalamidad na ito.

Kaya kailangan nang magtayo ng evacuation centers sa mga erya na madalas iwasiwas ng mga bagyo.

Katulad sa Maynila, mayroon dalawang malalaking evacuation centers na nakatayo sa Baseco Compound, Port Area at sa Binondo Sports Complex. Ipinatayo ito ng local government na noo’y under Mayor Alfredo Lim na sabay niyang ipinagawa sa kanyang 2nd term noong 2010-2013.

Ang naturang evacuation centers ang tinatakbohan ngayon ng mga madalas masunugan at madalas ma-evacute dahil sa mga bagyo na taga-Parola, Tondo at Baseco.

Kapag may mga ganitong evacuation centers ang bawat lungsod o munisipyo sa buong Metro Manila at maging sa mga lalawigan o probinsya ay hindi na magkakaproblema ang local government tuwing may kalamidad.

Kaya mga mayor at gobernador, gayahin ninyo ang Maynila. Magpatayo na rin kayo ng evacuation centers sa inyong lugar.Let’s do it!

Hinaing ng inmates sa Leyte Provincial Jail: Hindi na nagkaka-hearing sa kaso

– Mr. Venancio, sana po ay matulungan n’yo kaming maiparating ito sa Korte Suprema, kay Chief Justice Lourdes Sereno. Kaming inmates ng Leyte Provincial Jail halos lahat kami rito ay hindi na natatawag o walang nangyayaring hearing sa aming mga kaso. Ako nga lang ay magdadalawang taon na po na hindi nahe-hearing. Ang bagal-bagal po talaga ng hustisya dito. Lalo na po nang dumanas kami ng bagyong Yolanda at ngayon ay Ruby. Sana po ay matulungan nyo kaming inmates ng Leyte Provincial Jail na maiparating sa gobyerno ang hinaing naming ito. Pls lang po protect my number. Thank you, Sir Joey Venancio. – Inmate ng Leyte Provincial Jail

Paging Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno! Sino ba ang mga Judge n’yo sa Leyte at tila tinutulugan na yata ang mga kaso ng mga bilanggo sa Provincial Jail? Anyare sa programa mong mabilis na hustisya para sa lahat?

Oo nga pala, anyare sa kinakaharap na kaso ni Erap sa Korte Suprema? Hindi ba kayo natutulig sa halos linggo-linggo na kayong kinakalampag ng iba’t ibang grupo tungkol sa kaso na ‘yan?

Mukhang nagkakatotoo ang sinasabi noon ni Erap na talamak ang “Hoodlum in Robes” sa Korte Suprema a?

Mayroon daw kasi ngayong opisyal d’yan sa Korte Suprema na madalas kausap si Erap.

Sabi nga ng mga Ilonggo: “Te nano ni man?”

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *