Saturday , April 27 2024

Sexy actor tiklo sa droga

121114 anton bernardoKINOMPIRMA ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang inaresto ang dating sexy actor na si Anton Bernardo makaraan mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa isang checkpoint sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Wilson de los Santos, hepe ng QCPD, pinara nila ang 39-year-old former actor dahil walang suot na helmet ngunit nakompiskahan ng transparent plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang drug paraphernalias

Kabilang aniya rito ang plastic pen, isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu substance, isa pang maliit na plastic heat-seated transparent plastic sachet na mayroong tatlong piraso ng thin strip rolled aluminum foil, dalawang piraso ng used thin rolled aluminum foil na ginamit bilang pipe o tooter, at isang piraso ng used strip aluminum foil na may bakas ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu.

Nahaharap si Bernardo sa kasong driving without helmet at possession of illegal drugs.

Sikat si Anton noong dekada ’90 dahil sa bold films na gaya ng “Patikim ng Pinya” (1996), “Nang Mamulat si Eba: Part 2” (1997), “Kesong Puti” (1999), “Anakan Mo Ako” (1999), at “Sa Paraiso Ni Efren” (1999).

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *