Saturday , April 27 2024

2 sundalo dinukot ng NPA sa ComVal

120414 sundalo compostelaDINUKOT ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalong nagbabantay sa isang plantasyon sa Brgy. San Roque, New Correll, Compostela Valley kamakalawa.

Ayon kay Major Gen. Eduardo Año, kompirmadong mga miyembro ng 60th Infantry Battalion ng Philippine Army ang hindi pinangalanang mga sundalo.

Sa imbestigasyon, nagbabantay ang dalawa sa airstrip ng kompanyang Sumifru nang biglang tutukan ng baril ng 15 NPA.

Hindi na nakalaban at isinuko na lamang ng dalawa ang kanilang mga armas sa mga rebelde na nagkunwaring mga empleyado at nakasuot ng uniporme ng Sumifru.

Nagsasagawa na ng operasyon ang AFP para mailigtas ang mga sundalo.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *