Saturday , April 27 2024

BI number 1 fixer (Betty Chuwawa) strikes again! (Paging: SoJ Leila de Lima)

112614 betty chua immigrationLUMUTANG na naman ang pigura nitong si Betty Chuwawa, ang dakilang fixer sa Bureau of Immigration (BI) main office sa nakaraang operation sa mga undocumented Chinese national na isinagawa ng Bureau of Immigration – Intelligence Division sa isang warehouse diyan sa Marilao, Bulacan.

Talagang hindi raw tinantanan nitong walanghiyang si Betty Chuwawa ang mga taong dapat kalampagin hangga’t hindi napapalabas ang kanyang mga pinapadrinohang kliyente.

Anim na undocumented na Intsik ang na-arbor ni Betty Chuwawa kaya tiba-tiba na naman siya at bukol-bukol naman ang mga operatiba ng BI.

Maraming BI employees ang nakasaksi at nagtataka kung bakit pinapayagan daw ang ganitong aktibidades ng matandang bruhilda sa bureau!

Aba, noong administrasyon ni Commissioner David Dayunior ay nag-lie low ‘yang si Betty Chuwawa.

‘E bakit ngayon garapalan na naman ang kanyang fixing activities!?

Hindi ba’t marami nang nabigyan ng ban order sa Bureau? Ano bang meron si Chuwawa at nananatiling untouchable? Ano bang silbi ng watchdogs (ISAFP) ni BI Commissioner Mison at hindi man lang magawan ng report ang illegal activities ni Chuwawa gayong kitang-kita na labas-pasok siya at tila ‘yellow pizza queen’ sa iba’t ibang opisina diyan sa Bureau?!

Sabi ng isang Immigration officer sa main office: “Ikaw ba naman ang laging lunch date ng isang mataas na opisyal ng Bureau, natural lang na pangingilagan ka ng kahit sino diyan!?”

Mukhang lagi namang dedma ang mga opis-yal diyan sa BI Main office pagdating sa raket ni Chuwawa, bakit hindi na lang si SOJ Leila Delima ang ating kalampagin at baka sakaling tayo ay pakinggan!

Madam SOJ De Lima, pakiimbestigahan n’yo nga po ‘yang matandang ‘yan na lagi na lang pumapadrino sa mga hinuhuling Intsik dito sa buong Filipinas!!!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *