Saturday , April 27 2024

Austrian tiklo sa Subic (Wanted sa Europe)

112014 Andreas WoelflMAKALIPAS ang mahigit isang taon na pagtatago sa Filipinas, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang isang Austrian na wanted sa Europe dahil sa internet fraud.

Ang pag-aresto sa Austrian na si Andreas Woelfl sa compound ng isang exclusive villa sa Subic ay isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration, Philippine National Police-Region 3 at Austrian Interpol.

Bukod kay Woelfl, wala nang iba pang naabutan sa kanyang unit ngunit kinompiska ang nakitang mga dokumento, computer at gadgets para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Ayon sa Austrian Interpol at BI, bukod sa criminal records sa Austria, mayroon ding European at international arrest warrant sa suspek dahil sa kaugnayan niya sa malawak na internet fraud operation, at mga nakaw na makina ng sasakyan sa Europa.

Mariing itinanggi ni Woelfl ang mga paratang laban sa kanya.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *