Friday , April 26 2024

San Pedro Calungsod musical play ni Gerald, may underwater scene

ni Roldan Castro

111114 gerald pedro calungsod

MARAMING recording artists ang nag-a-audition sa The Voice Philippines bakit hindi subukang sumali ni Gerald Santos?

“For a time parang pumasok sa isip ko pero pinag-usapan namin ng manager ko at ng team namin, too risky na. Kumbaga, kasi may title na ako (Pinoy Pop Superstar Grand Champion), tingin ko sapat naman na ‘yun. May awards na rin naman ako. Baka kung ano pa ang maging resulta roon, mawala pa ‘yung mga napatunayan ko na,” reaksiyon niya.

Ano ang masasabi niya sa ibang recording artists na nagtangkang mag-auditon sa The Voice?

“Okey lang.Ha!ha!ha! Good luck,” sey ni Gerald.

So, may takot factor din siya na mag-audition?

“Yes, oo, kumbaga, ang laki na ‘yun at stake sa akin, eh. Siguro kung mga 4 years ago o 2 years ago…noong wala pa akong awards. Kumbaga, ngayon kasi sa tingin ko nai-establish ko rin naman ‘yung sarili ko sa industry as Gerald Santos,” pakli pa ng binata.

Anyway, kahapon, Lunes, Nov. 10 ay nagsimula ang musical play ni Gerald na San Pedro Calungsod-The Musical na prodyus ng Red Life Productions ni Ms. Bem Red Reyes sa Skydome, SM North Edsa.

Sa rehearsal pa lang ay kinikilabutan na kami sa mga kinakanta nila at talagang damang-dama mo.

Ano ang reaksiyon ni Gerald na rehearsal pa lang marami na ang kinikilabutan?

“Masaya ako kasi at least, nakukuha namin ‘yung gusto naming emosyon na makuha sa audience. Kumbaga, hindi naman nawawalan ng kabuluhan ‘yung rehearsal namin dahil nakukuha rin namin ‘yung tamang emosyon para mangilabot ‘yung mga manonood,” deklara niya.

Dawalang buwan din silang nag-rehearse bago itanghal ang nasabing play. Mahirap ba?

“Yes, mahirap kasi ibang klase itong production namin this time. Talagang grabe, kompleto sa props, kompleto sa visual, graphics, at ‘yung intensity ng script nito na ginawa ng manager ko—Doc Rommel Ramilo—na siya ring director ng play, sobrang ganda, talagang nabigyan ng buhay ‘yung buhay po ng ating pangalawang Santo,” bulalas pa ni Gerald.

Mas ginastusan daw ang play na ito kompara sa unang Pedro Calungsod na play niya.

“Sobrang magarbo po, eh! Engrande itong musical play na ito,” pagmamalaki ng magaling na singer.

Nag-shoot pa si Gerald ng underwater para ipakita ang pagkamatay ni San Pedro Calungsod na itinapon sa dagat. ‘Yung shoot na ‘yun ay napanood sa actual show nang pinatay na sila.

“First time kong gawin ‘yung underwater scene. Nag-training muna ako kay Direk Jess Lapid Jr. Ang sarap. Noong una nakatatakot kasi 20 feet, ganoon kalalim ‘yung paghuhulugan sa akin, so, kailangan i-dive ko muna ‘yun, ma-praktis ko na mapunta sa ilalim at doon lang ako kukuha ng oxygen,” paglalahad pa ni Gerald.

Sa Anilao, Batangas daw kinunan ito.

Isang araw lang daw siyang na-train kay Jess at hindi naman siya nahirapan. Nag-swimming lesson muna siya sa pool na 10 feet ang lalim. ‘Yun ang preparation niya dahil mahirap din naman na roon pa lang siya turuan totally.

Gumanap din si Shyr Valdez bilang ina ni Gerald sa play. Maraming iyakan sa eksena nila habang kumakanta.

“Binibiro ko nga siya, dapat ang gagawin namin mala-Sampaguita Pictures kasi, ha!ha!ha!. Talagang bumabaha ng luha, ganoon. Ang ganda ng play na ito, may drama, comedy, may kaunting romance, may horror din. Mararamdaman lahat ng audience ‘yung emosyon na gusto naming iparating,” kuwento pa niya.

Ayon sa producer na si Ma’am Bem, iikot daw ang play na ito sa mga Catholic school sa buong Pilipinas lalo na sa parte ng Mindanao at Visayas.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *