Friday , April 26 2024

Ona, Tayag iniimbestigahan ng DoJ-NBI (Sa biniling bakuna)

110414 ONAINIIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Health Secretary Enrique Ona at Assistant Secretary Eric Tayag kaugnay kwestiyonableng pagbili ng pneumoccocal conjugate vaccine 10 o PCV 10 noong 2012.

Ikinasa ang pagsisiyasat noong Hunyo ng Anti-Fraud Division ng NBI.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima, batay sa reklamong kanilang natanggap, imbes PCV 10, isang uri ng bakuna para sa mga bata para sa mga pulmonary diseases gaya ng pneumonia, meningitis, sinusitis at bronchitis, ang PCV 13, ang dapat na binili ng DoH.

Ang PCV 13 ang inirekomenda ng World Health Organization at ng National Center For Pharmaceutical Access and Management at Formulatory Executive Council na dapat bilhin dahil ito ay mas mabisa.

Mas marami anila kasing sakit na masasaklaw ang PCV 13 kaysa PCV 10.

Ngunit ang nagyari noong 2012, kahit nakapaghanda na ang Bids and Awards Committee ng DoH para sa bibilhing PCV 13, ang PCV 10 pa rin ang iniutos na bilhin ng DoH.

Ang pagbili ng PCV 10 ay batay sa direktiba ni Assistant Secretary Eric Tayag ngunit nabatid na nakapag-isyu si Ona ng Certificate of Exemption para sa PCV 10.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *