Saturday , April 27 2024

6 Tsekwa tiklo sa biggest shabu lab (P3-B droga, equipments kompiskado sa Tarlac)

110714_FRONTANIM Chinese national ang naaresto matapos masakote sa loob ng itinuturing ngayon na pinakamalaking shabu laboratory sa bansa na sinalakay sa Camiling, Tarlac ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.

Ayon kay NBI Deputy Director for Investigative Services Ricardo Pa-ngan, sa paunang pagtaya ay aabot sa P3 bil-yon ang halaga ng illegal na droga, mga sangkap, mga makina at kagamitan sa paggawa ng shabu ang nasamsam sa pagsalakay sa Bonifacio St., sa Bayan ng Camiling.

Kasama rin sa nakompiska ang anim malalaking makina na ginaga-mit sa pagmananupaktura ng shabu.

Nadatnan sa lugar ang finished products na droga at mayroon pang hindi nailalagay sa pakete.

Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court.

Ang sinalakay na shabu laboratory ay isang malaking warehouse na dating ginagamit ng isang farmers’ multi-purpose cooperative.

Dalawang buwan isinailalim sa surveillance ang lugar bago isinagawa ang pagsalakay.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng anim naarestong Chinese na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, partikular ang probisyong may kinalaman sa pag-manufacture ng illegal na droga.

Anak ng parak, campus queen tiklo sa drug ops

CAUAYAN CITY, Isabela – Naaaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforecement Agency (PDEA) Region 2 at Cauayan City Police Station ang anak ng isang pulis kasama ang kanyang girlfriend na campus beauty queen, sa drug buy-bust operation sa Christine Village, Cauayan City.

Kinilala ang mga inaresto na sina Lord Loui Duarte, 30, residente ng Christine Village, Cauayan City, anak ni SPO4 Lupo Duarte, investigator ng Cauayan Police Station; at Marjorie Marcos, 19, kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa isang university sa Cauayan City.

Ayon kay Agent Jaime Clave, team leader ng PDEA Region 2, nasa drug watchlist si Duarte at matagal nang sinubaybayan ng mga awtoridad dahil sa paggamit at pagbebenta ng illegal na droga.

Nakompiska sa pag-iingat ni Duarte ang apat na heat sealed sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap sina Duarte at Marcos sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *