Friday , April 26 2024

Judy Ann, marami ring natutuhan sa I Do

082214 juday I Do

00 fact sheet reggeeMAY payo si Judy Ann Santos sa mga couple na planong magpakasal na kilalanin muna nilang maigi ang kanilang partner para wala raw pagsisisi sa huli.

Kaya naman pabor ang host ng I Do realiserye dahil nagkaroon daw ng tamang venue para makilala ng bawat couple ang partners nila.

Biro nga ni Juday na sana may I Do na noon bago sila nagpakasal ni Ryan.

“Kasi they were able to clear out ‘yung past nila, to clear everything from their exe’s and parents. Kumbaga, it was a wedding book package parang sana nga may ganito bago pa kami nagpakasal, kasi ang gandang journey and it makes you more responsible being a wife after the whole journey.

“Alam mo na ‘yung gagawin mo, mga pagdaraanan at mga susunod mo pang sosolusyonan. It was a nice introduction for couples who wants to get married,” paliwanag ni Mrs. Agoncillo.

Bagamat maganda ang pagsasama nina Juday at Ryan ay marami raw natutuhan ang una sa mga kuwentong pinagdaanan ng couples.

“Unang-una na ‘yung pagiging honest sa partner, ha, ha, ha. ‘Yung kung ano ang nararamdaman mo, it’s important pala na i-verbalize mo agad, huwag mo ng kimkimin, huwag mo nang itago kasi after ilang months, lalabas din na mas wild na ‘yung emosyon mo na baka hindi mo na ma-keep together (control).

“Dapat open kayo, hindi lang sa past kundi open kayo sa present situation when it comes to money matters. Importante na magkaibigan pa rin kayong nag-uusap.

“It was a journey not only for the couples but for me as well kasi may mga time na nagte-taping kami at kung ano ‘yung pinagdaraanan ng couples ay ‘yun ‘yung iniisip ko at that moment na parang pag-uwi ko magaan na ‘yung pakiramdam ko kasi mayroon na akong life coach on board, I have professional marriage counselor, nakakausap ko rin sila in a way, treating myself not because I have a bad marriage but because on my own, I think I have to learned some new things to be a good wife,” paliwanag ng I Do host.

Isa sa magandang usapan nina Juday at Ryan, “siguro, kasi kami ni Ryan, when it comes to dealing with personal issues, it was an issue between me and him, it was never an issue between me and people.

“‘Yun ‘yung pinaka-sagrado talaga sa amin kasi parang sa amin, mas gusto naming maging inspirasyon kami sa mga tao.

“Lahat naman ng couples may pinagdaraanan, husband and wife o mag-boyfriend/girlfriend pa lang.

“Lahat naman ay may pinagdaraanan na parang gusto ng maghiwalay, there was never an option to us to separate not because of the kids but because we believe that what we have, the love that we have, the relationship that we have na ipinundar naming dalawa and I can say that at this point in time of our relationship, we are really enjoying with each other, we respect each other’s time, we value each others company. Parang bumalik ulit kami sa parang mag-boyfriend/girlfriend. Doon kami sa stage ngayon,” mahabang sabi ng aktres.

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *