Friday , April 26 2024

Coco, Kim, KC, Julia, at Jake, ‘di malilimutan ang karanasan sa Ikaw Lamang

SA nalalapit na pagtatapos ng Ikaw Lamang ngayong gabi ay maraming hindi makalilimutan ang mga bidang sina Coco Martin, Kim Chiu, at KC Concepcion.

“Napakagandang experience ang naibigay ng ‘Ikaw Lamang’ para sa akin bilang aktor. Pakiramdam ko para akong gumawa ng dalawang soap opera dahil sa dalawang karakter na ginampanan ko bilang sina Samuel at Gabriel,” pahayag ng Hari ng Teleserye na si Coco.

Dream-come-true naman para sa Prinsesa ng Teleserye na si Kim na maka-eksena sa kanilang serye ang iba’t ibang award-winning na aktor sa industriya. “Ang sarap sa pakiramdam na sabay-sabay kong nakatrabaho ‘yung mga iniidolo kong artista sa isang proyekto. Ang dami kong natutuhan tungkol sa buhay at sa pag-arte mula sa kanila,” ani Kim.

Para sa 2014 FAMAS Best Actress na si KC, naging malaking hamon para sa kanya ang pagpasok sa kuwento ng Ikaw Lamang bilang si Natalia. Aniya, “Sobrang challenging siya para sa amin dahil napakalaking pagbabago ang nangyari sa teleserye nang dumating ‘yung mga karakter namin. Pero nagpapasalamat ako dahil napasama ako sa ganito kalaki at kagandang teleserye.”

Samantala, maging ang mga aktor na gumanap sa Ikaw Lamang bilang sina Franco at Mona na sina Jake Cuenca at Julia Montes ay punom-puno rin ng papuri sa naging tagumpay ng “master teleserye” na kanilang kinabilangan.

“Hanggang ngayon, napaka-inspirational pa rin ng ‘Ikaw Lamang’ para sa akin hindi lang dahil sa ganda ng kuwento nito kundi dahil din sa buong cast, crew, at mga direktor nito,” ayon kay Jake.

“Dahil sa rami ng natutuhan namin mula sa lahat ng nakatrabaho namin, feeling namin para kaming nakapagtapos ng isang buong course sa college,” dagdag ni Julia.

Sa pagtatapos ng Ikaw Lamang, tiyak na mayayanig ang gabi ng TV viewers ngayong hindi na patatalo si Gabriel kay Franco (Christopher de Leon) dahil sa pagpatay nito sa kanyang ama na si Samuel (Joel Torre). Makababawi na ba si Gabriel sa pagsira ni Franco sa kanyang buhay? Paano makatutulong ang magkapatid na sina Natalia at Andrea (Kim) sa pagkamit ni Gabriel ng hustisya laban sa kanilang ama? Sa huli, may kinakailangan pa bang magsakripisyo ng buhay para lamang mapigilan ang kasamaan ni Franco?

Mula sa direksiyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang master teleseryeng Ikaw Lamang ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz.

Huwag palampasin ang “full circle” ng kuwento ng master teleseryeng Ikaw Lamang, ngayong Biyernes, pagkatapos ng Hawak-Kamay sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Ikaw Lamang, bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

 Rakrakang pasabog, magaganap sa Talentadong Pinoy 

SPEAKING of Robin Padilla, nasa ikalawang episode ng ikalawang season ng Talentadong Pinoy na ang eere sa Sabado, Oktubre 25 sa TV5, 7:00 p.m. kasama sina Mariel Rodriguez-Padilla at Tuesday Vargas.

Tiyak na dadagundong ang saya at galing ng mga contestant sa rakrakang pasabog na handog ng mga kalahok.

Sasalang bilang mga talent scout ang tatlong respetadong actors sa telebisyon at pelikula na sina Talentadong heartthrob Richard Gutierrez, Talentadong dramatic actress Bianca King, at Talentadong comedienne na si Ruby Rodriguez.

Magpapakitang gilas naman  ang mga Talentadong Pinoy na tiyak magpapabilib sa buong bayan sina Rakrakan ng Black Finger ng Cavite na binubuo mga batang rakista na sina Lance, Iver, Rijel, Yajie, Frederick, at Charles. Ipakikita ng Black Finger ang sarili nilang version ng Wrecking Ball na pinasikat ni Miley Cyrus.

Iparirinig naman ng Talentadong Pinoy ng Marikina na si Hazelyn Luz Cascanyo o Rupture Idol ang galing sa pagkanta. Minsan ng nakaharap ni Rupture Idol sa entablado si Charice Pempengco at naka-tie up pa  sa isang singing contest.

Maabot kaya ni Rupture Idol ang approval ng mga talent scouts habang sya’y bumibirit sa pagkanta?

Hindi rin naman magpapahuli ang Talentadong Pinoy ng Silay City na si Mark Glenn Segovia or also known as The Mime Master dahil ipakikita at patutunayan ni Mark Glenn sa sambayanan ang galing sa pagma-mime sa murang edad na 9.

Tiyak namang mag-iinit pa ang stage ng Talentadong Pinoy sa Sabado, lalo na at ipamamalas naman ng mga Talentadong Pinoy ng Oriental Mindoro na sina Florendo at Joseph Mayo ang bangis sa pagpa-fire dance. Kilala at sikat na ang mag-tiyuhing Mayo sa Puerto Galera na dinarayo sila ng mga tao para mapanood sa kanilang ‘Poi Dance” talents.

At ang nakatatawang nangyari ay hindi napigilan ni Robin na makipag-headbang at makipag-rakrakan kasama ang mga batang rakista na miyembro ng bandang Black Finger na ikinompara sa bandang Kamikaze.

 Kris, malaking blessing sa career ni Daniel

PURING-PURI ni Daniel Matsunaga si Kris Aquino at inamin niyang malaking blessing sa kanya ang bida ng Feng Shui 2.

Totoo naman talaga dahil noong walang masyadong project ang grand winner ng Pinoy Big Brother All In ay parating co-host siya ni Kris sa pang-umaga nitong programang Kris TV.

Nakasama rin si Daniel sa pelikulang Sisterakas kaya natsismis silang dalawa ni Kris na may relasyon.

Panay din ang puri ni Kris sa binata noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya kaya malaking tulong din ito kaya nanalo si Daniel at hindi naman itinaggi rin ng Queen of All Media na Ibinoto talaga niya ang binata.

Samantala, simula ng manalo si Daniel sa PBBAI ay nagkasunod-sunod na ang projects tulad ng pelikulang Shake, Rattle and Roll mula sa Regal Entertainment na entry ngayong 2015 Metro Manila Film Festival at offers niya tulad ng pagiging endorser ng San Marino Tuna Flakes tulad ng mag-inang Kris at Josh.

Sabi nga ni Daniel, “I’ve never been happy like this in my whole life. Siyempre, there’s always a time for everything. In God’s time, I will have my relationship.

Talagang masaya ako kasi it’s what I’ve always dreamed of and it’s happening now in the Philippines.

“Sobrang (overwhelming), sobrang nakaiiyak kasi talagang I’ve never expected this in my entire life. For me, it’s such a blessing for me. If I’m in Brazil, I may never have this. Talagang masaya ako rito.

“Tapos, kinuha pa ako ng San Marino Tuna, na paborito ko rin talaga ito, timing nga, eh.”

May kinalaman din kaya si Kris kaya kinuhang endorser ng San Marino Tuna Flakes si Daniel?

In fairness, hindi nagkamali ang nasabing ad agency sa pagkuha sa binata dahil sa ganda ng katawan nito.

At nang kunan naman namin ng pahayag ang Queen of All Media kung ano ang masasabi niya sa sinabi ni Daniel na malaking blessings siya sa aktor, “no comment, Reg.”

‘Yun na!

 

Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *