Saturday , April 27 2024

7 naospital sa condo fire


01/02/2008 NA: -PA  Emergency Department .

ISINUGOD sa pagamutan ang pito katao makaraan masunog ang isang condominium unit kahapon sa Lungsod Quezon.

Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, District Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City, nagsimula ang sunog bandang 12:32 p.m. sa basement ng Prince David Condo sa 305 Katipunan Avenue, Quezon City.

Kasalukuyang inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima.

Sinabi ni Fernandez, agad nagliyab ang basement ng naturang condominium na pag-aari ng isang Lilibeth Villasis, 44, na imbakan ng basura.

Mabilis na inilikas ang ibang mga naninirahan sa condominium patungo sa isang evacuation center.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *