Saturday , April 27 2024

Fans ni Daniel, dumagsa sa Big Dome; pata ni KZ, nagmumura sa suot na damit

100114 Daniel Padilla KZ

00 fact sheet reggeeLATE kaming dumating sa Smart Araneta Coliseum kaya hindi namin inabutan ang performance ni Morissette Amon sa awiting Akin Ka Na Lang na Isinulat ni Kiko Salazar para sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 na sabi ng mga kasamahan namin sa hanapbuhay ay talagang maraming humiyaw sa singer.

Iilan lang kasi ang tinilian ng mga tao tulad nina Michael Pangilinan, Angeline Quinto, Janella Salvador, at Abra/Ebe Dancel.

Grabe ang hiyawan at palakpakan nang tawagin na ang pangalan ni Daniel Padilla na noong inikot namin ang paningin namin sa loob ng big dome ay halos fans pala ng batang aktor ang naroon tulad ng Kathniel Dreamers, Kathniel Believers, Daniel Rocks, Danielistaz, KaDreamers, Katniel Buddies, at marami pang iba. Parang fans lang ng batang aktor ang namili ng tickets?

At mas nakakaloka na nasa mismong stage na ang ibang fans na hapon pa lang ay nag-aabang na kay Daniel para sa performance niyang Simpleng Tulad Mo na isinulat ni MJ Magno.

At habang kumakanta ang batang aktor ay walang tigil naman ang hiyawan ng fans, kasama na ang mga nasa entablado na walang tigil naman ang marshall sa kapipigil sa mga yumayakap at humahalik kay DJ.

Panalo talaga ang pagkakanta ni Angeline sa awiting Hanggang Kailan na isinulat ni Joel Mendoza talagang pang theme song ang dating at panalo rin ang gown ng singer dahil lalo siyang pumuti at ang taray dahil siya lang ang may props na kunwari ay nasa pantalan kaya elevated siya.

Pero nakalulungkot dahil walang napanalunan si Angeline, marahil ay ayaw na ng mga hurado ang tumitili.

Nakahihinayang din ang awiting Pare, Mahal Mo Raw Ako ni Michael na isinulat ni Joven Tan dahil maski na malakas ito sa airwaves ay hindi pa rin nagustuhan ng mga hurado.

Natutuwa naman kami kay Janella dahil tunog TVC ng shampoo talaga ang kanta niyang Mahal Kita Pero na isinulat ni Melchora Mabilog na sinasabayan na rin ng kabataan.

Gusto namin ang performance ni Hazel Faith de la Cruz para sa sariling komposisyong Everything Takes Time dahil sumasayaw siya habang kumakanta at napaka-classy ng dating niya sa stage at mahal siya ng kamera dahil ang ganda-ganda niya.

Kabaligtaran naman ni KZ Tandingan na talagang naloka rin ang mga katabi namin dahil hindi bagay sa kanya ang cut ng damit dahil lumiit siyang tingnan lalo bukod pa sa nagmumura ang mga pata niya as in.

Dati na naming pinansin ang estilo ng pananamit ni KZ at katwiran n’ya ay nag-e-experiment daw sila ng stylist niya dahil nga mahirap siyang bihisan, eh, susme, isang taon na iyon hindi pa rin matumbok ang tamang bihis ng singer? Dapat magpalit na siya ng stylist kung hindi kasundo ni KZ.

Anyway, narito ang mga nanalo sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.

Si KZ ang grand prize winner; 2nd best song Halik Sa Hangin nina Abra at Ebe Dancel na isinulat ni David Dimaguila; 3rd best song Mahal Kita; 4th best song, Walang Basagan ng Trip na isinulat ni Eric De Leon na kinanta naman nina Jugs and Teddy; at 5th best song, Hindi Wala na isinulat ni Nica del Rosario at kinanta ni Juris.

Ang mga special awards: Star Cinema’s Choice Award, Halik sa Hangin; MYX’s Choice for Best Music Video Award, Mahal Kita Pero (music video director: San Beda College Alabang); Star Music Listerners’ Choice Awards Bumabalik, Ang Nagdaan (komposisyon ni Sarah Jane Gandia na inawit ni Jessa Zaragoza); MOR 101.9 Listerner’s Choice Awards at ABS-CBNmobile Fan Favorite Award sa Simpleng Tulad Mo (komposisyon ni Meljohn Magno na inawit ni Daniel Padilla); TEC’S Choice Award at StarStudio Readers Choice Award, If You Don’t Want to Fall (komposisyon ni Jude Gitamondoc na inawit ni Jed Madela).

 

ni Reggee Bonoan

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *