Friday , April 26 2024

Paa ng 3-anyos totoy naipit sa escalator ng mall sa Isabela

092414 escalator

CAUAYAN CITY, Isabela – Nabali ang limang daliri sa kanang paa ng isang 3-anyos batang lalaki makaraan maipit sa escalator ng isang malaking mall sa Santiago City.

Ang biktima itinago sa pangalang Dave, residente ng Bagabag, Nueva Vizcaya. Sa salaysay ng ina ng biktima, nagtungo sila sa Robinson’s Mall para maipasyal ang dalawang anak.

Galing sila sa game zone sa 3/F pero nang pababa na ay umiyak ang anak dahil ayaw pang umuwi. Sumakay sila sa escalator pero nang malapit na sila sa ibaba ay biglang umupo ang bata kaya naipit ang kanyang tsinelas kasama ang kanyang paa.

Sa panig ng mall, sinabi ng mga pinuno na sasagutin nila ang gastusin ng bata na nilalapatan ng lunas sa isang pribadong ospital sa Santiago City. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *