Saturday , April 27 2024

Ex-DoJ Sec Gonzalez, 83 pumanaw na

090914 raul gonzalez
PUMANAW na ang dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) at dating kongresista ng Iloilo City na si Raul Gonzalez, Sr.

Sa kanyang official Twitter account, kinompirma ng anak niyang si Dr. Marigold Gonzalez ang pagpanaw ng kanilang ama dakong 10:30 p.m. kamakalawa sa National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City sa edad 83-anyos.

Una rito, nitong Biyernes pa lang lumabas na ang balita na pumanaw na ang dating kalihim ngunit agad itong nilinaw ng kanyang pamilya.

Sinabi ni Dr. Pacita Gonzalez noong Biyernes, hindi stable ang kondisyon ng mister sa NKI at hiniling ang dasal ng mga kababayang Ilonggo.

Matatandaan, taon 2007 nang sumailalim sa kidney transplant si Gonzalez at ang kanyang driver ang kanyang naging donor.

Si Gonzalez ay nagsilbing DoJ secretary at chief presidential legal counsel noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at naging kinatawan din ng lone district ng lungsod ng Iloilo.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *